Connect with us

Entertainment

Diego Loyzaga, Pinakilig ang mga Fans sa Kanyang Sweet na Pagbati sa Kaarawan ng “Love of His Life” na si Barbie Imperial

Nito lamang ika-1 ng Agosto ay masayang nagdiwang ng kanyang ika-23 taong kaarawan ang aktres na si Barbie Imperial. Dahil espesyal ang araw na ito para kay Barbie, ay hindi nakaligtaan ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga na batiin ang kanyang nobya sa pamamagitan ng napakasweet na mensahe sa Instagram.

Credit: Diego Loyzaga | Instagram

Maraming mga tagahanga ni Diego at Barbie ang naantig at kinilig sa madamdaming mensahe ni Diego para sa aktres. Magmula naman nang isapubliko ng magkasintahan ang kanilang relasyon, ay talagang nakaabang na ang kanilang mga fans sa masaya at nakakakilig nilang love story.

Kaya naman, nang batiin ni Diego ang kanyang girlfriend na si Barbie sa 23rd birthday nito, na tinawag pa ng aktor na “love of my life” ay talagang hindi na nakapagpigil pa ang kanilang mga fans na mas lalong kiligin.

Credit: Diego Loyzaga | Instagram

Ang nilalaman naman ng mensahe ni Diego ay pawang mga positibong bagay lamang ang hangad katulad ng pagtupad sa mga pangarap ni Barbie at inaasam rin nitong kaligayahan. At ayon nga kay Diego, ay palagi siyang nasa tabi ng kanyang nobya para suportahan ito.

Credit: Diego Loyzaga | Instagram

“To the love of my life, happiest 23rd birthday my baby, baby momma, baby ban*s, mahal ko, I wish you all the best and all the happiness in the world. As generic as that is, I mean every word of it. That you keep on succeeding in everything you do and know that I’ll be right here by your side supporting you. Every triumph and every setback, I’ll be holding your hand cheering you on!”

Credit: Diego Loyzaga | Instagram

Dagdag naman ni Diego sa kanyang mensahe, ay sinabi niya kung gaano siya ka-proud sa bilang boyfriend ni Barbie. Maliban rito, ay mababakas rin sa mensahe ng aktor ang pangako na puno ng pagmamahal para sa kanilang relasyon. Hindi rin naitago ni Diego ang kanyang excitement na makasama pa si Barbie sa susunod na yugto ng buhay nito at sa mga espesyal na pagdiriwang.

“Another year older and another year wiser. Big things are in store for you, my not so baby girl. And I’m proud to be your guy, here with you through it all. Through thick and thin, till death do us part (luh?) I’m excited to spend your next birthday, next Christmas, next new year with you and watch how we grow as a couple and as individuals. I’m lucky to have you as my partner. No relationship is perfect nor easy. It takes effort, a little struggle and a whole lot of commitment… and for you it’s worth all of it. … Again, happy birthday, mahal. I love you.”

Credit: Diego Loyzaga | Instagram

Samantala, ang puno ng emosyon at pagmamahal na mensahe ni Diego bilang pagbati sa birthday ni Barbie, ay agad namang sinagot ng aktres sa comment section ng post, kung saan ay pinasalamatan nito ang aktor.

“Mahal… thank you. I love you.”

Matatandaan naman na marami ang nagulat nang isapubliko nina Barbie at Diego ang kanilang relasyon noong nakaraang buwan ng Enero sa pagsalubong ng bagong taon. Nagsimula naman ang usap-usapan sa namumuong pagtitinginan nina Barbie at Diego noong nakaraang November 2020 kung saan, ay nag-iwan ng komento si Diego sa bikini photos ni Barbie sa Instagram.

Credit: Diego Loyzaga | Instagram

Sa isang panayam naman ng Push.ph, ay inamin ni Diego na si Barbie na ang kanyang “the one” na nais niyang makasama habambuhay. Inamin rin ng aktor na napapag-usapan na rin nila ni Barbie ang marriage.

“Kasi ‘yung pupuntahan niyo eventually is marriage, have a family, have kids. So ganoon ko siya tinitingnan with Barbie, and ganoon din naman niya tinitingnan with me.”

error: Content is protected !!