Connect with us

Entertainment

Diego Loyzaga Inamin na Tuwing May Intimate Scene Siya sa Proyekto Niya ay Agad Siyang Humihingi ng “Sorry” sa Nobya Niyang si Barbie Imperial

Sa isang relasyon ay tunay naman na mahalaga ang pagkaroon ng respeto sa isa’t isa ng dalawang taong nagmamahalan.

Credits: Diego Loyzaga | IG

Kaya naman ang aktor na si Diego Loyzaga ay ibinahagi kung paano niya binibigyan ng respeto ang kanyang nobyang aktres na si Barbie Imperial, tuwing siya ay may ginagampanan na kakaibang “role” na batid niyang maaring makaapekto sa nararamdaman ng kanyang kasintahan.

Nito lamang nakaraan sa naganap na presscon para sa pelikulang “Bekis on the Run”, ay nakapanayam ng press people ang aktor. Kasama ni Diego sa press con ang mga kasamahan niya sa pelikula na sina Christian Bables at Kylie Versoza.

Dito nga ay inilahad ni Diego, na sa tuwing may ginagampanan siyang “intimate scene” sa isang proyekto ay agad niya itong sinasabi sa kanyang nobyang aktres.

Credits: Diego Loyzaga | IG

Ayon kay Diego, sa pelikulang “Bekis on the Run” ay may ilang mga extra scene umano na ibinigay sa kanila ang direktor nila, kung saan ay may mga ginawa nga sila na hindi kasama sa script, halimbawa na nga lamang nito ay ang kissing scene.

Samantala, ayon sa aktres na si Kylie Versoza na siyang leading lady ni Diego sa nasabing pelikula, ay ibinahagi niya na sa kanila ng boyfriend niyang si Jake Cuenca ay agad nilang pinag-uuspaan ang mga detalye sa mga respectives projects na kanilang ginagawa, ito nga ay upang kapag ito ay napanood ng isa sa kanila ay walang ‘gulatan factor’ na magaganap.

Credits: Diego Loyzaga | IG

Nang natuon ang parehong katanungan kay Diego ay sinabi ng aktor na halos ganito rin ang kanilang ginagawa ng kanyang nobyang si Barbie Imperial.

Ngunit ayon sa kanya, ay hindi umano sila tulad sa ibang mga magkarelasyon sa showbiz, na pagdating sa kanilang trabaho ay walang pakialamanan.

“No, imposibleng walang pakialaman. . imposible ‘yon. Although Barbie is an artista, she’s till my partner, my lover, so it’s impossible to say that even if I tell her before or prior to shooting na, ‘Baby may ganito. ‘she’s not gonna feel it? Of course, she’s gonna feel something when she sees it.

But doon lang pumapasok ‘yong understanding na she is in the same business. So, alam niyang work lang”, pahayag ni Diego.

Credits: Diego Loyzaga | IG

Dagdag pa ng aktor, dahil batid nila pareho ng kasintahan na may awkward moments sa tuwing makakapanood sila ng intimate scene ng proyekto ng isa’t isa ay mas pinipili na lamang nila na huwag ng panoorin anumang proyekto ng isa’t isa na alam nilang may magiging hindi kanais-nais para sa relasyon nilang dalawa.

Inamin din ni Diego na sa tuwing gumagawa nga siya ng ‘intimate scene’ ay agad siyang humingi ng paumanhin sa kanyang kasintahan.

error: Content is protected !!