Connect with us

Entertainment

Dianne Medina, Binalikan ang mga Panahong Nag-agaw Buhay ang kanyang Ina Dahilan Upang Masubok ang Kanyang Pananampalataya sa Diyos

Hindi naman maitatanggi na may pagkakataon sa buhay natin na hindi talaga tayo nakakaalalang tumawag sa Itaas hangga’t hindi tayo nalalagay sa alanganing sitwasyon.

Katulad na lamang nga ng aktres na si Dianne Medina na talagang nasubok ang pananampalataya sa Diyos, at talagang matinding pagdarasal ang ginawa ng magkasakit at mag-agaw buhay ang kanyang ina.

Sa panayam ng Pep sa aktres sa “Anong Chika Today?” live cast session sa Calamansi app noong nakaraang Lunes, ika-29 ng Marso 2021, ay nagbalik tanaw si Dianne kung paano nabago ang buhay niya matapos niyang malamang may sakit ang kanyang ina na si Maria Josefa Medina, kung saan ang 50-50 ang tiyansa upang mabuhay ito.

Kwento ng aktres ay nasa high school pa lamang siya noon nang mangyari ito.

“My mom was diagnosed with breast cancer when she was 47. So nung time na yun talagang we were really devastated because the doctors from the U.S. told us that my mom has no chance to live, parang 50-50 na lang.”

At dito na nga nasubok ang kanilang pananampalataya kung saan ay mas nanalig sila sa Diyos at gumawa ng paraan upang mas mapalapit sa Kanya.

Tila nga napakaepektibo ng kanilang panalangin para sa buhay kanyang ina, dahil sa halip na agad bawian ng buhay, ay nabuhay pa ito ng mahigit sampung taon. Ang sabi ng doctor sa kanila, ay wala ng pag-asang mabuhay pa ang kanyang ina, ngunit taliwas sa sinabi nito ay umabot pa ng mahigit 10 taon ang buhay ng kanyang ina.

Dahil dito sa milagrong nangyari sa kanyang ina, magmula nga noon ay nangako si Dianne na paglilingkuran niya ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapaabot ng tulong sa iba.

Malaki rin ang pasasalamat ni Dianne dahil hindi agad kinuha ng Diyos ang kanyang ina, dahil noon nga ay nag-aaral pa sila. At noong lahat sila ay nakapagtapos na sa pag-aaral ay dito na nga ito binawian ng buhay.

Pahayag nga ni Dianne, dahil sa nangyari ang talagang forever grateful siya. At ngayong may sariling pamilya na siya, ay nagpapasalamat rin siya dahil ang asawa niyang si Rodjun Cruz, ay tinutulungan siya upang maipagpatuloy ang kanyang misyon.

Ang pananampalataya rin ni Dianne sa Diyos, ay nagdala sa kanya sa mas makabuluhang layunin sa kanyang buhay. Ito nga ang maglingkod ng buong puso sa Diyos.

“Because of what happened to my mom, nalaman ko what is my real purpose in life. My purpose is to serve our Lord Jesus Christ, and everything else is just secondary. My career, my showbiz career, my hosting career, lahat ito, everything else is just secondary. So si Lord talaga yung pinaka-main purpose natin. Why are we all alive is to spread His word, is to serve Him.”

error: Content is protected !!