Connect with us

Entertainment

Dianne Medina at Rodjun Cruz Ipinasilip ang Ipinagawang Baby Room ng Kanilang Magiging Anak

Published

on

Isa nga sa kinasasabikan ng mag-asawa sa kanilang pagsasama ay ang pagkakaroon ng isang supling. Isang baby na magbibigay ng saya at kulay para mabuo ang isang pamilya. Kaya naman, kapag ang mag-asawa ay pinagkalooban na ng isang baby, hindi matatawaran ang kaligayahang hatid nito sa kanila. At upang mapaligaya ang anak, lahat ng paghahanda ay gagawin ng mag-asawa.




Photo credits: Dianne Medina | Instagram

Maliban nga sa mga kagamitan na kakailanganin sa panganganak, at ilang kasuotan na gagamitin ng sanggol, isa nga sa pinaghahandaan ng mag-asawa ay ang magiging sariling silid ng sanggol. Ang pagkakaroon nga ng sariling silid ni baby ay isang magandang ideya upang magkaroon siya ng katiwasayan sa pagtulog at maging komportable sa sariling silid.

Photo credits: Dianne Medina | Facebook




Ang soon to be mom and dad nga na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ay talagang pinaghahandaan ang pagdating ng kanilang munting anghel dahil naglaan talaga ang mag-asawa ng silid para sa kanilang magiging anak.

Photo credits: Dianne Medina | Facebook

Dahil sa sobrang excitement na nadarama ng aktres na si Dianne Medina, ay hindi na nga siya nakapagpigil pang maibahagi sa social media ang magiging baby room ng kanilang anak.

“My BABY’s Room #Soon #3DDesign #DianneMedinaVlogs Thank you so much My Interior Designer: Marielle Lavelle Bandong Daybed and Crib: Udeh Furniture Ideas,” pahayag ni Dianne sa kanyang caption sa post sa IG.

Photo credits: Dianne Medina | Facebook

Ipinasilip nga ni Dianne ang napakagandang disenyo ng baby room na talaga namang kahanga-hanga ang kaayusan. Dahil nga, isang baby boy ang nalalapit na isilang ng aktres, ang tema nga nito ay kulay asul. Ang napakagandang disenyo ng silid ay likha ng mahusay na interior designer na si Marielle Lavelle Bandong Daybed and Crib : Udeh Furniture Ideas.




Higit namang natuwa sina Dianne at Rodjun matapos makita ang napakagandang disenyo dahil ito pala ay malapit sa kanilang puso, dahil ang naturang disenyo pala ay siya ring tema sa kanilang prenup pictorial sa Capadoccia, Turkey kung saan makikita ang mga hot air balloon sa kanilang background. At ngayon nga, ang espesyal na disenyong ito, ay siya ring ginamit sa silid ng kanilang magiging baby.

“When marielle sent us the design of the baby room, we fell in love with the hot air balloon design right away — why? Because we sh0t our pre nup in Capadoccia Turkey with all the hot air balloons in the background) wala lang ang cute lang hehe 😍❤️.”

error: Content is protected !!