Connect with us

Showbiz

Diamond Star Maricel Soriano, Ipinasilip Ang Kanyang Mga Paboritong Sapatos

Hinahangaan natin ang mga sikat na artista sa showbiz dahil sa kanilang taglay na kagandahan at talento. Bahagi naman ng kanilang trabaho ang maging maganda at presentable, kaya naman nag-iinvest rin sila sa kanilang mga kasuotan. Katulad na lamang nga ng beteranang aktres at binansagang Diamond Star sa industriya ng showbiz na si Maricel Soriano.

Photo credits to the owner

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na dekada 70 pa lamang ay nasa industriya na ng showbiz si Maricel upang ipakita ang kanyang husay sa pag-arte. At hindi naman talaga maikakaila ang kanyang talento sa pag-arte dahilan nga kung bakit kabilang siya sa listahan ng mga award winning actress.

Photo credits to the owner

Sa kanyang mahabang panahong pananatili sa showbiz ay marami na rin sa kanyang mga kagamitan ang kanyang nakasama at naging bahagi ng kanyang tagumpay. Katulad na lamang ng koleksyon ng kanyang mga sapatos. Sa isang vlog nga ni Maricel na mapapanood sa kanyang sariling Youtube Channel ay kanyang ibinahagi ang kanyang mga paboritong sapatos.

Photo credits to the owner

Pagbungad pa lamang ng video ay ibinunyag na ng Diamond star ang size ng kanyang paa. At ito nga ay size 5, ngunit may pagkakataon naman na mas pinipili niya ang bumili at magsuot ng size 5 ½ na sapatos. Pagbabahagi pa ni Maricel ay mas gusto niyang nagsusuot ng mga flat shoes kumpara sa heels. Ayon nga sa aktres, ay mas komportable at nakakagalaw siyang mabuti kapag mga flat shoes ang kanyang suot. Pag-amin pa ng aktres ay nagpapanic siya na baka maubusan siya ng sapatos para sa kanyang size, kung kaya’t agad nga siyang bumibili.

Photo credits to the owner

Unang ipinakita ni Maricel ang mga paborito niyang flat shoes katulad na lamang nga ng Tod’s na may magandang disenyo. Ilan pa sa kanyang mga flat shoes ay Chanel, Louis Vuitton at mayroon rin namang mga rubber shoes. Ipinakita rin ni Maricel ang isang sapatos na ayon sa kanya, ay mas matanda pa sa kanya ngunit hanggang sa ngayon ay buhay na buhay parin ang kulay at maganda nitong disenyo. Natutuwa rin si Maricel sa tuwing isusuot ang kanyang Hermes flat shoes dahil sobrang lambot at komportable itong isuot sa kanyang paa.

Photo credits to the owner

Kahit naman marami ang mga flat shoes sa koleksyon ni Maricel, ay hindi nangangahulugan na hindi siya nagsusuot ng heels. Sunod na ngang ipinakita ni Maricel ang kanyang mga paboritong heels na kanyang isinusuot sa tuwing may mga mahahalagang okasyon. Ilan naman sa kanyang mga high heels ay Louboutin, Manolo Blahnik, Brian Atwood at Viktor & Rolf.

Ang bawat sapatos naman ay talagang nagagamit ni Maricel sa iba’t ibang okasyon lalo na nga sa tuwing tatanggap siya ng parangal bilang isang mahusay na aktres. At ang mga ito nga ay talagang mahalaga sa kanya kaya naman iniingatan niya ang kanyang mga sapatos na naging bahagi na rin ng kanyang tagumpay sa kanyang karera.

error: Content is protected !!