Connect with us

Entertainment

Diamond Star Maricel Soriano, Ibinahagi Ang Masayang Christmas Lunch Ng Pamilya Soriano

Tuwing sasapit ang kapaskuhan ay hindi nawawala ang mga family gatherings. Tila nga inilaan ang Christmas season para makasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay. Kaya naman, sa araw ng pagdiriwang ng pasko ay sama-sama ang pamilyang Pilipino sa hapag upang pagsaluhan ang masasarap na putaheng inihanda. At hindi siyempre mawawala ang masayang kwentuhan habang sabay-sabay na kumakain.

Kaya naman, hindi pinalampas ng Diamond Star na si Maricel Soriano na magkaroon ng isang masayang Christmas lunch ang pamilya Soriano sa loob ng kanyang tahanan. Ang masayang kaganapan sa kanilang Christmas lunch ay masayang ibininahagi ni Maricel sa isang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Magmula ng magkaroon ng pandemya, ay matagal ring hindi nagkasama ang kanilang pamilya para magsalo-salo kaya naman makikitang sabik silang makita ang bawat isa. Kompleto nga ang pamilya Soriano sa masaya nilang Christmas lunch. Inimbitahan talaga ng Diamond star sa kanyang tahanan ang kanyang mga mahal sa buhay para magkaroon ng masayang tanghalian.

Makikita na naroon ang pamangkin ni Maricel na si Meryll Soriano kasama ang kanyang anak na si Eli at bunsong anak na si Gido na anak ng aktres sa aktor na si Joem Bascon. Naroon rin ang mga kapatid na si Maricel katulad na lamang ng aktor na si Melchor Soriano o mas kilala bilang si Mel Martinez.

Photo credits: Marcel Soriano | Youtube

Ang napakacute na anak ni Meryll na si Baby Gido, ay naging sentro ng kanilang family gathering. At ang cute na bata nga ay hindi nakaligtas sa panggigigil ng kanyang mga lolo at lola. Ayon naman kay Meryll ay unang beses pa lamang nakita ng kanyang mga tiyahin at tiyuhin ang kanyang anak na si Gido ngayong isang taong gulang na ito.

Photo credits: Marcel Soriano | Youtube

Isang masayang tanghalian naman ang kanilang pinagsaluhan na kung saan ay may kanya-kanya silang dalang pagkain. Ilan sa mga pagkaing kanilang pinagsaluhan ay spaghetti na dala ni Mel, may pasta, may lechong baboy rin at marami pang iba.

Photo credits: Marcel Soriano | Youtube

Photo credits: Marcel Soriano | Youtube

Hindi naman nawala sa kanilang masayang salo-salo ang masarap na kwentuhan at kamustahan. Ang bawat isa nga ay kinamusta ni Maricel, katulad na lamang ng pagkamusta nito sa relasyon ni Meryll sa kanyang amang si Willie Revillame. At ayon nga kay Meryll ay talagang mahal na mahal ng kanyang ama si Baby Gido.

Napuno ng saya at tawanan ang kanilang Christmas lunch, lalo na nga’t hindi sila nauubusan ng kwento. Ayon pa nga kay Meryll, ay talagang napakasaya ng kanilang pamilya sa tuwing sila’y nagkakasama. Hindi naman nakadalo si Joem sa masayang tanghalian dahil abala raw ito sa kanyang trabaho.

Masayang ibinahagi ng bawat isa ang kani-kanilang buhay sa taong lumipas sa kabila ng pagharap sa hamon na dala ng pandemya. At dahil pasko naman, ay hindi rin nawala ang kahilingan ng bawat isa.

error: Content is protected !!