Connect with us

Entertainment

“Di na Kailangan Utusan”: Philmar Alipayo, Hinangaan ng mga Netizens Dahil sa Pagiging Isang Mabuting Partner kay Andi Eigenmann at Ama sa kanilang mga Anak

Hindi biro para sa isang ina ang bawat araw sa pag-aalaga ng bagong silang na sanggol. Bukod nga sa puyat at pagod, ay kaakibat rin nito ang nadaramang lungkot. Maituturing nga na isa sa nakakapagod na responsibilidad ng isang ina ang pag-aalaga ng bagong silang na sanggol.

Kaya naman, napakapalad ng mga ina na may kaagapay at katulong sa pag-aalaga ng bagong silang sanggol. Bukod nga rito, ay marunong ring gumawa ng mga gawaing bahay at nagagawa ring pasayain ang kanilang pamilya.




Katulad na lamang nga ng aktres at vlogger na si Andi Eigenmann na napakapalad sa pagkakaroon ng partner na katulad ni Philmar Ailpayo. At kamakailan nga sa latest vlog ng kanilang pamilya, kung saan mapapanood ang everyday routine ng kanilang buhay ng may new born baby, ay hinahangaan ng mga netizens ang pagiging isang mabuting partner at ama ni Philmar.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

At kapag si Philmar nga ang kasama sa loob ng bahay, ay talagang naeenjoy ni Andi ang pagiging isang ina sa kanilang mga anak. Mapapanood sa video ang masayang kulitan nina Ellie at Baby Lilo kasama si Philmar. Ngunit, marami sa mga netizens ang nakapansin kung gaano kasipag si Philmar. Makikita na abala si Philmar sa paglalaba ng kanyang puting tshirt sa loob ng banyo. At ayon kay Andi ay “Yan ang favorite hobby,” ng kanyang partnet. Makikita rin ang pagtiklop ng mga damit ni Phimar.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Isa ring hands-on dad si Philmar kung saan ay siya ang nagpapaligo sa kanilang napakacute na new born baby na si Baby Koa. Makikita rin ang masayang bonding nina Philmar at Ellie habang nagti-Tiktok, na kung saan ay parang tunay na anak ang turing rito ni Philmar.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Hindi lamang nga ito ang kahanga-hanga kay Philmar, dahil siya rin ang nagsisilbing clown ng kanilang pamilya sa pagbibigay saya sa pamamagitan ng nakakatuwa nitong mga dance moves na talagang kinagigiliwan ni Andi. Kaya naman, ang postpartum depression matapos manganak ay hindi alintana ni Andi dahil kay Philmar.




Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Tunay nga na talagang napakasaya ng kanilang pamilya, kung saan ay masisilayan ang isang pamilya na puno ng pagmamahal.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Narito ang mga komento ng mga netizens na puno ng paghanga kay Philmar:

“Si Philmar ang asawang tipong walang sakit sa ulo, wala kang stress at no need na utusan.”

“Good men like Philmar is hard to find, ‘yong mga lalaking masipag sa gawaing bahay.”

“Wow. Ganyan ang mga responsableng lalaki—masipag sa gawaing bahay. ‘Di na kailangan utusan. Naglalaba, alaga sa babies at siya pa ata lagi nagpapaligo sa newborn. Mahirap na hanapin ganyang klase ng lalaki. Ang swerte ni Andi o vice versa. Galing.”

error: Content is protected !!