Connect with us

Entertainment

Desiree Del Valle, Isinilang Na Ang Napakacute na si Baby Alexander, Ang Panganay na Anak Nila ni Boom Labrusca

Para sa mag-asawang Desiree Del Valle at Boom Labrusca ang araw ng Lunes, ika-4 ng Oktubre ay ang pinakamasayang araw na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Dahil sa araw na ito ay isinilang ni Desiree ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Boom.

Ang pag-iibigan nina Desiree at Boom na nagsimula matapos magkatrabaho sa proyekto ng ABS-CBN na fantaserye na Aryana noong 2012 ay nauwi sa tunay na pag-iibigan sa tunay na buhay. Ikinasal ang celebrity couple noong taong 2018 sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony at ito’y naganap sa California, matapos ang limang taong relasyon bilang magkasintahan.

Hindi agad biniyayaan ng supling ang kanilang pagsasama, ngunit nitong taon lamang, ang hinihintay nilang sanggol na siyang kokompleto sa kanilang pamilya ay ipinagkaloob matapos ang tatlong taon. Walang pagsidlan ng tuwa ang mag-asawang Desiree at Boom sa pagdating ng kanilang panganay na napakacute na baby boy na pinangalanang Alexander Sebastian Dunham Labrusca.

Nito lamang ika-6 ng Oktubre ng ibahagi ng celebrity couple sa publiko ang pagdating ng kanilang panganay na anak. Sa Instagram ng 39 taong gulang na aktres na si Desiree, ay masaya niyang ibinahagi ang mga post na naglalaman ng mga larawan at maiikling video na kuha bago at pagkatapos niyang manganak. May larawan ring kuha kung saan makikita nasa delivery room na ang aktres habang mahigpit na hawak-hawak ni Boom ang kanyang kamay.

Sa caption ng kanyang post, ay inilahad ng new mom ang ilang detalye patungkol sa kanyang new born son. Kagaya na lamang nga ng pangalan, at petsa at oras ng kapanganakan nito. Labis rin ang pasasalamat ni Desiree sa Diyos dahil ipinagkaloob sa kanila ang kanilang baby boy na ligtas niyang naisilang

“As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca. Born on October 4, 2021 at 2:14 pm. Thank you Lord for our son.”

Samantala, masayang-masaya rin si Boom sa pagdating ng kanilang panganay na anak. At sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Boom kung gaano siya kaproud sa kanyang asawa dahil sa loob lamang ng isang oras ay nagawang magsilang nang ligtas ni Desiree.

“Say Hello to my baby Alexander Sebastian Dunham Labrusca”
October 4 ,2021
2:14 pm”
“One of the if not the longest 1hr of my life. To my wife, for carrying our baby, for being strong and for being an amazing wife..Good job mommy.”

Ayon pa nga kay Boom, bagama’t nasa tabi siya ng kanyang asawa, ay hindi parin raw niya alam ang hirap na pinagdaraanan ng kanyang asawa habang ito’y nanganganak. Pinasalamatan rin ni Boom ang mga doctor at nurse na nag-asikaso kay Desiree para ligtas nitong isilang ang kanilang panganay na anak.

“Maaring anduon tayo sa kanilang tabi ngunit kailanman ay di naten malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao. team work makes the dream work. I love you so much. Salamat po Ama sa gabay. Lahat ng ito ay itinataas ko na po sa Inyo, Ama.To all the doctors and nurses at St. Luke’s ERod, Maraming Maraming Salamat po sa inyong pag alaga sa aking mag ina.
Walk by faith.”

error: Content is protected !!