Derek Ramsey Ibinahagi kung Gaano Ka Supportive ang Kanyang Bagong Girlfriend

Isa sa mga pinakasikat at pinag uusapan na mag-kasintahan ngayon sa showbiz ay sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Nagkaroon sila ng isang matagumpay na serye sa telebisyon sa Kapuso network na nagtapos nito lamang Setyembre 27, 2019, ito ay ang muling pagbabalik ni Derek Ramsay sa network ng GMA makalipas ang labing-apat na mahabang taon na di paglabas sa industriya.



Ang nasabing tambalan nila sa naturan teleserye ay umani ng maraming mga puna at reaksyon mula sa publiko dahil sa ilan sa mga “eksena” nito. Ngunit naging matagumpay itong proyekto para sa kanilang dalawa. Ito rin ang dahilan kung paano sila naging magkaibigan at kalaunan ay nauwi sa pagkakahulugan ng loob sa isa’t isa at pagliligawan.

Ayon sa ilang mga ulat, noong Hunyo nang kumpirmahin ni Derek ang kanyang pakikipaghiwalay sa kanyang matagal na dating kasintahan nang higit sa anim na taon din niyang nakasama na si Joanne Villablanca na isa ring modelo.

Mayroon ding ilang mga ulat na ang dating magkasintahan ay nagpaplano ng magpakasal ngunit sa hindi kumpirmadong rason, napagdesisyunan nilang tapusin ang kanilang relasyon. Ngunit ang Kapuso hunk ay hindi nanatiling mag-isa para sa matagal na panahon dahil siya ngayon ay nasa isang relasyon na sa Kapuso actress na si Andrea Torres. Si Andrea Benideth Elizabeth Torres ay isang dalawampu’t siyanm na taong gulang na artista, mananayaw, taga-disenyo, at modelo. Siya rin ang katambal ni Derek sa “The Better Woman”.

Kamakailan lamang na umagaw ng pansin ang “Derek-Andrea” sa social media. Napakasuportado ni Andrea kay Derek na talagang nagpunta pa siya sa Shanghai, China upang suportahan si Derek sa WFDF 2019 Asia Oceanic Ultimate and Guts Championships.



Si Andrea ay nandiyan upang suportahan ang kanyang malalakas na kasintahan at ipinagmamalaki ng lubos ang kasintahan! Masayang masaya silang magkasama sa oras nila sa isa’t isa. Gustung-gusto ni Derek na maglaro ng golf at si Andrea ay naging kanyang “golfing buffy”.

Mayroon din sila ng ilang mga nakakatawang larawan sa Burj Khalifa na may nakamamanghang laser at light show sa Dubai. Ang ilan sa kanilang mga larawan ay umani ng reaksyon mula sa mga netizens. Hindi din pinahintulutan ni Derek ang isang walang galang na netizen habang sumagot siya sa komento ng netizen na inihambing siya kay Gerald Anderson na kinaladkad sa isang napaka-kontrobersyal na isyu kasama sina Julia Barretto at Bea Alonzo.

Sa ngayon ay marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang lubos na masaya sa relasyon nila Derek at Andrea.

New romance

Derek Ramsay and Andrea Torres can’t hide anymore that they have feelings for each other

Posted by Kami.com.ph on Friday, 27 September 2019