Connect with us

Entertainment

Derek Ramsay at Ellen Adarna, Usap-Usapan Dahil sa Kanilang mga Larawan sa Social Media na Madalas Makitang Magkasama sa Bakasyon

Maugong na usap-usapan ngayon sa social media, ang relasyon di umano ng aktor na si Derek Ramsay at napakaseksing aktres na si Ellen Adarna. Marami kasi sa mga netizens ang nakakapansin sa mga larawang ibinabahagi ng dalawa sa kanilang social media, na madalas silang magkasama, lalo na sa bakasyon.




Hindi rin maitatanggi na sa bawat larawan, ay makikita ang kasweetan nina Derek at Ellen sa isa’t isa. Nagsimula nga ang lahat nang ito nang magkaroon dinner party sa tahahan ni Derek kasama ang kanilang mga non-showbiz friends noong nakaraang buwan ng Enero. At matapos ng naturang insidente, ay mas lalo pa ngang naging malapit sa isa’t isa sina Derek at Ellen kung saan madalas na silang makitang magkasama.

At nito lamang buwan ng Pebrero, ay namataan na namamg magkasama ang dalawa. Ito nga ay noong Araw ng mga Puso, noong Pebrero 14, kung saan ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram, na nagtungo sila ng kanyang anak na si Elias, sa bahay ni Derek sa Alabang upang magkaroon ng masaganang dinner. At matapos nito, ay nasundan pa nang makita ulit sina Derek at Ellen na magkasama nang magbakasyon sa Batangas sa kanilang out-of-town road trip kasama ang kanilang mga kaibigan.

Tila naman naeenjoy ng rumored couple ang presensya ng bawat isa, dahil ang masaya nilang bakasyon, ay muli na namang nasundan. Nito lamang ngang ika-19 ng Pebrero, ay ibinahagi ni Ellen ang kanilang masayang bakasyon sa Lake Caliraya sa Laguna. At muli nga, ay kasama na naman ng aktres si Derek, anak na si Elias at mga kaibigan kung saan ay talagang na-enjoy nila ang magandang tanawin sa naturang lugar.




Samantala, marami ang nakapansin sa parehong single parents, na tila nga may relasyon ang mga ito kung saan makikita hindi lamang ang kasweetan nila sa isa’t isa, kundi pati na rin ang pag-aalaga ni Derek sa anak ni Ellen. Makikita nga sa ilang larawan na karga pa ni Derek ang natutulog na si Elias. May larawan rin kung saan makikita magkakasama sina Derek, Ellen at Elias na tila ba isang masayang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Samantala, sa isang panayam ay itinanggi ni Derek, ang usap-usapang may relasyon sila dahil magkaibigan lamang sila ng aktres. At dahil nga parehong single, para kina Derek at Ellen ay walang masama sa kung anumang relasyon meron sila.

Matatandaan na pareho hiwalay sa kanilang mga dating partner sina Derek at Ellen. Si Derek ay hiwalay sa dati niyang partner na si Andrea Torres noon lamang nakaraang buwan ng Nobyembre. Samantalang si Ellen naman, ay hiwalay sa aktor na si John Lloyd Cruz noong 2019, at nagkasundo na lamang na maging mabuting magulang sa kanilang anak na si Elias.

error: Content is protected !!