Connect with us

Entertainment

Derek Ramsay at Ellen Adarna, Naging Hand-ons sa Pag-aalaga Kay Elias Nang Walang Yaya

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na ang engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, ay parehong may anak sa kanilang mga naunang nakarelasyon. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Sa katunayan nga nito, ay parehong maganda ang relasyon nina Ellen at Derek sa kani-kanilang mga anak.

Credits: Derek and Ellen | YT

Kasabay ng pagmamahal ni Derek kay Ellen ay ang pagtayong step father ng aktor sa anak nitong si Elias Modesto, na anak ng aktres sa dating nobyong si John Lloyd Cruz. At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip nina Derek at Ellen ang kanilang pag-aalaga kay Elias nang walang kasamang Yaya.

Sa latest vlog na mapapanood sa kanilang YouTube channel na “Derek and Ellen”, ay makikita ang masayang bonding nilang tatlo kung saan nga ay walang kasamang katulong sina Derek at Ellen para alagaan si Elias. At makikita nga na napakahands on ni Ellen sa kanyang anak. Ipinakita rin ni Derek bilang isang step father kay Elias ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga. Makikita na talagang malapit si Elias sa kanyang Tito Derek, at ang kasiyahan sa mukha ng dalawa ay hindi matatawaran.

Credits: Derek and Ellen | YT

Isa nga sa kanilang naging bonding sa nasabing vlog ay ang pag-eehersisyo ni Derek nang kasama si Elias. Makikita na habang nagpu-push up ang aktor ay nakasakay sa kanyang likuran ang cute na batang si Elias. Habang abala naman si Derek sa pag-eehersisyo, ay pumunta naman si Elias sa pool side kung nasaan ang kanyang Mommy Ellen at doon naman ay pinakain ng aktres ang kanyang anak ng kanin at fried chicken.

Matapos nito ay makikita namang naglaro sa kanyang sariling playgroud si Elias kasama ang kanyang Mommy Ellen. Nagkaroon rin ng playfight ang magtitong Derek at Elias. Makikita naman talaga masayang bonding ng tatlo na tila sila’y isang masayang pamilya.

Credits: Derek and Ellen | YT

Samantala, sa kalagitnaan naman ng video ay isang nakakatawang pangyayari ang naganap, ito nga ay matapos maprank si Ellen. Makikita sa video na kumakain ng noodles si Ellen ngunit hindi alam ng aktres na lalapitan siya ng kapatid nito na may hawak na ahas. Ganun na lamang nga ang gulat ni Ellen, na kung saan ay napasigaw ng malakas at nalaglag pa sa kinauupuan.

Credits: Derek and Ellen | YT

Hindi naman maikakaila na talagang malapit sa isa’t isa ang tatlo. Sa kabila naman ng buhay na walang kasamang yaya, ay makikita naman na kayang-kaya nina Derek at Ellen na maging mabuting magulang at gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga magulang kay Elias. Sa maikling panahon na naging mag-fiancee sina Derek at Ellen, ay makikita naman ang tunay na pagmamahal nila sa isa’t isa.

 

error: Content is protected !!