Connect with us

Entertainment

Derek Ramsay at Ellen Adarna, Ipinasilip ang Masayang Bakasyon sa Isla ng Siargao Kasama si Elias

Talaga nga namang makikita na napakasaya at napakakulay ng love life ng celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna magmula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon. At sa loob lamang ng maikling panahon ang kanilang pag-iibigan ay tuluyan nang nauwi sa engagement. Tila nga enjoy na enjoy ang dalawa sa kanilang relasyon, na kung saan nga ay madalas ibahagi sa social media ang masasayang kaganapan sa buhay nila.

Maliban sa kanilang masayang bonding moments, ay madalas ring ibahagi ng engaged couple sa kani-kanilang social media accounts, ang kanilang masayang bakasyon sa iba’t ibang lugar kasama ang kanilang pamilya. At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip nina Ellen at Derek, ang kanilang masayang bakasyon sa malaparaiso sa gandang isla ng Siargao.

Credits: Ellen Adarna | IG

Sa Instagtram ay ibinahagi ni Ellen ang napakasarap sa matang kuha ng mga larawan ng kanyang anak na si Elias at ng kanyang fiancee na si Derek. Makikita kasing masayang nagbonding ang dalawa na talaga namang enjoy na enjoy sa kanilang mga ginagawa.

Makikitang enjoy na enjoy ang tatlong taong gulang na si Elias na kasama ang kanyang Tito Derek. Maliban sa pagsakay sa yate, pasiswimming, at paggawa ng sand castle, ay wala ring sawang nakipaglaro at nakipagkulitan si Elias sa kanyang Tito Derek. At base sa mga larawan, ay makikita na talagang malapit sa isa’t isa ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen sa aktor na si Derek Ramsay.

Credits: Ellen Adarna | IG

May mga larawan ring ibinahagi si Ellen kung saan silang dalawa naman ni Derek ang bida. At hindi naman nawala ang nag-uumapaw na kasweetan nila sa isa’t isa. Sa isang larawan nga ay makikitang magkahawak kamay ang dalawa habang naglalakad. Napakasweet naman talaga ng celebrity couple sa isa’t isa, at masisilayan sa kanilang matamis na ngiti na sila’y masayang-masaya.

Credits: Ellen Adarna | IG

Kapansin-pansin naman ang larawan nilang tatlo na kung saan ay masisilayan ang isang masayang pamilya. Tila nga mahal na mahal ni Derek, hindi lamang si Ellen kundi pati na rin ang anak nitong si Elias.

Credits: Ellen Adarna | IG

Walang pinalampas na sandali sina Ellen at Derek na damhin ang masayang sandaling sila’y magkasama sa isang napakagandang lugar. Isa rin itong magandang pagkakataon para maglaroon rin ng bonding moments sina Derek at Elias na animo’y tunay na mag-ama dahil sa kanilang hindi matawarang closeness.

Credits: Ellen Adarna | IG

Matatandaan na noong Pebrero taong kasalukuyan nang ihayag nina Ellen at Derek sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon. At pagsapit nga ng Marso, ay kanila namang isinapubliko ang kanilang engagement.

error: Content is protected !!