Connect with us

Showbiz

“Day 1 to Day 7” Silipin ang Naging Masayang 10th Anniversary Vacation ng Magkasintahang si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Thailand

Sobra ang kilig ng mga kathniel fans matapos nila mapanood ang latest out of the country vacation ng couple. Ibinahagi din ni Kathryn at Daniel na ang bakasyon na ito ay celebration ng kanilang 10th year anniversary.

Sa unang part ng video makikita na unang lumipad patungong Thailand si Kathryn Bernardo kasama ang matalik na kaibigang si Alora Mae Sasam ng hindi pa kasama si DJ.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Day 1

Sa Day 1 ng kanilang bangkok tour, unang pinuntahan ng magkaibigan ay ang isang malaking book store sa central embassy kung saan naenjoy ng magkaibigan mamili ng kanilang mga gustong libro.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Sunod naman pinuntahan ng magkaibigan ang isa sa pinaka sikat na restaurant sa Bangkok kung saan awarded ito ng Michelin star, ang Jayfai ngunit sa kasamaang palad sarado ito.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Nagkikot naman ang magkaibigan at tumikim ng ibat-ibang pagkain at inumin sa kaling mga nadaanan, isa sa kanilang kinainan ay ang Soi 10, na matatagpuan sa Khet Ratchathewi, Krung Thep Maha Nakhon 10400, Thailand.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Sumunod naman nilang pinasyalan ay ang Platinumum Fashion Mall, kung saan dito nila tinuloy ang kanilang pag sho-shopping, pagtikim ng ibat-ibang nagsararapang pagkain at pag fofoot massage.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Day 2

Sa day 2 ng kanilang naging thailand tour, sinundo ng magkaibigan sa airport si Daniel Padilla, kung saan pagkasundo nila sa aktor, dumeretso sila sa Chang Mai, Thailand sakay ng eroplano.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Deretso naman sila sa kanilang nakuhang airbnb kung saan pagdating nila ay may inihanda pang Pad Thai na pagkain ang host ng kanilang Airbnb na pinag-istayan.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Day 3

Sa day 3 ng kanilang tour dumeretso ang magkasintahan kasama ang kaibigang si Alora sa Chai Lai Orchid kung saan dito nag nature tour ang tatlo.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Dito makikita ang kanilang masayang bonding kasama ang mga naliligong elepante sa ilog. Naging masaya din ang kanilang experience matapos kumain thai food sa dahon.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Day 4

Sa day 4 ng kanilang thailand tour, pagising na pagising ni Kathryn, ipinakita niya ang napakagandang view paglabas ng balkonahe ng kanilang pinag-istayan na hotel kung saan paglabas na paglabas niya ay makikita agad ang mga elepante na umaaligid sa kanilang kwarto.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Tuloy naman ang kanilang pamamasyal at sa pagkakataon ito, inikot nila ang ilan sa mga sikat na templo sa Chai Mai. Isa sa kanilang pinuntahan ay ang Wat Pha Lat Temple na may mga nakakabighani na istruktura at kapaligiran.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube

Pagkatapos naman ay namili sila ng mga spices at chili na kanilang iuuwi sa pilipinas at dumeretso sa isang sikat na dessert place. Sa kanilang day 4 ay walang tigil ang kanilang pagkain na halos lahat ngkanilang mapuntahan ay tinitikman nila halos lahat ng kanilang magustuhan at matripan na tikman.

Sa pagtatapos ng kanilang araw ay bumalik na sa airport ang couple kasama ang kaibigan na si Alora pabalik ng Bangkok, pero ang kaibigan nilang si Alora ay mamamaalam na dahil ito ay dederetso na pauwi sa Pilipinas at tanging ang couple nalang ang maiiwan para ituloy ang kanilang Thailand Tour.

Day 5

Sa day 5 nagpunta ang magkasintahan sa isang kick boxing arena kung saan masaya nilang naexperience ang manood ng thai boxing.

Day 6

Sa day 6 ng kanilang tour, muling bumalik ang magkasintahan sa isa sa pinaka sikat na Thai food restaurant ang Jay Fai, ngunit sa kasamaang palad fully book na ang restaurant, ito ang kanilang 3rd attempt.

Ngunit ayon sa magkasintahan babalik sila sa gabi upang subukan ulit dahil gustong gusto talaga nila matikman ang mga nagsasarapang potahe ng Jay Fai’s.

Pansamanatalang bumalik ang magkasintahan sa Siam Mall upang kumain ng appetizer dahil gutom na gutom na umano ang mga ito at ang talagang krinacrave nila ay ang Jay Fai’s.

Sa attempt number 4 ng magkasintahan ay nagkaroon na sila ng pagkakataon na matikman ang masasarap na potahe ng Jay Fai sa tulong ng ilan sa mga pinoy na kanilang nakilala.

Ipinaliwanag naman ni Daniel at Kathryn kung bakit nga ba sikat na sikat ang Jay Fai at ibinahagi ng mga ito kaya sikat si Jay Fai ay dahil isa itong Michelin Awardee bilang isang street food vendor. Kinilala din ito na hands on sa pagluluto dahil ito mismo ang nagluluto mula umaga hanggang gabi, kaya limited din ang slot at napakahaba ng pila sa restaurant na ito.

Day 7

Sa day 7 ay nagpaalam na ang magkasintahan, dahil pabalik na sila ng Pilipinas.

 

 

error: Content is protected !!