Connect with us

Entertainment

Dating Wowowin Host at Aspiring Beauty Queen na si Hipon Girl, Nakatanggap ng House and Lot Mula sa Kaniyang Manager

Ngayon ay kilalang-kilala na ang host at komedyanteng si Herlene Budol o mas kilala bilang Hipon Girl. Dahil sa kaniyang kasikatan ay patuloy ring bumubuhos ang swerte at mga proyekto sa kaniya.

Mula nga sa kaniyang regular na hosting stint sa Wowowin, hanggang sa kaniyang pagkakataon na maging kandidata sa Binibining Pilipinas, ngayon naman ay abot langit ang saya ni Hipon Girl nang regaluhan siya ng kaniyang manager na si Wilbert Tolentino ng isang house and lot.

Photo credits: Wilbert Tolentino Vlogs | Youtube

Sa isang YouTube vlog na inilabas ni Wilbert, ibinahagi niya ang sorpresang ito para kay Herlene. Ugali na rin ni Wilbert na regaluhan ang kaniyang mga hinahawakang sikat na personalidad. Sa katunayan, mayroon din siyang iniregalong bahay sa sikat na online seller na si Madam Inutz bago ito pumasok sa reality TV show na Pinoy Big Brother.

Photo credits: Wilbert Tolentino Vlogs | Youtube

Photo credits: Wilbert Tolentino Vlogs | Youtube

Ayon kay Wilbert, iniregalo niya ang bahay na ito kay Madam Inutz upang makasiguro siyang mayroon na siyang tahanan, manalo man siya rito o hindi. Dahil dito, nagbigay rin siya ng isang regalo kay Herlene sa kaniyang pagsali sa Binibining Pilipinas.

Photo credits: Wilbert Tolentino Vlogs | Youtube

Talagang masasabi na napakagalante ni Wilbert pagdating sa pagbibigay ng regalo sa kaniyang mga talent. May sukat na 216 sqm. ang property na ito.

Photo credits: Wilbert Tolentino Vlogs | Youtube

Mayroon itong isang bungalow at ilang two-storey na apartment units. Dahil sa malaking biyaya na ito, malaki rin ang naging pasasalamat ni Herlene sa kaniyang manager. Natupad na rin umano ang kaniyang pangarap kaya naman overwhelmed at speechless rin siya sa napakalaking regalo na ito.

Photo credits: Wilbert Tolentino Vlogs | Youtube

Photo credits: Wilbert Tolentino Vlogs | Youtube

Bukod sa pasasalamat na iniabot ni Herlene sa kaniyang manager, talagang siniguro din niya na magagamit nang maayos ang property na ito. Ayon kay Wilbert, ilalaan daw ni Herlene ang kikitain ng kaniyang bagong apartments para sa kaniyang pamilya lalo na sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Photo credits: Wilbert Tolentino Vlogs | Youtube

Photo credits: Wilbert Tolentino Vlogs | Youtube

Totoong kahanga-hanga ang ginagawang pag-aalaga ng mga managers sa mga artista ngunit hindi lahat ay handang magbigay ng malaking regalo gaya nito. Dahil dito, napakaraming netizens ang bumilib sa kabaitan at suportang ibinibigay ni Wilbert kay Herlene. Ayon pa nga sa ilang netizens, pamilya na ang turing ni Wilbert sa kaniyang mga hinahawakang talent kaya naman gaya ni Herlene ay napakaswerte ng mga ito.

error: Content is protected !!