Dating Street Boys Dancer Na Si Spencer Reyes, Ito Na Ang Buhay Ngayon

Ang Streetboys ay isang grupo ng mga mananayaw na binubuo ng mga kalalakihan noong kapanahunang 90s.

Photo Credit: Google Image




Sikat na sikat ang grupong ito dahil sa kanilang mga dance moves na talagang nakakapagpatili sa mga tagahangang dalaga. Talagang napapahanga ang sino mang babaeng manood sa kanila lalo na kapag sumayaw ng mga sexy dance moves ang mga ito.

Photo Credit: Google Image

Bukod sa sexy dance na kanilang ginagawa, kaabang-abang rin ang kanilang mga acrobatic dance moves kung saan hinahangaan at ginagaya naman ng mga kalalakihang tagahanga ng grupo.

Isa sa mga miyembro ng kahanga-hangang male dance group na ito ay si Spencer Reyes. Nakilala si Spencer sa grupong ito bilang isang magaling na mananayaw at hinahangaan ng marami. Bukod sa hilig sa pagsayaw, naging mahusay rin itong artista. Marami rin siyang pelikulang ginawa at mga teleseryeng mapapanood sa telebisyon na nag-iwan ng marka sa industriya ng showbiz noong taong 1990 hangang taong 2000.

Photo Credit: Google Image




Ilan sa kanyang mga pelikulang ginawa ay ang Spirit Warriors, Computer Combat at Tugatog. Naging bahagi rin siya ng Istokwa kung saan nakasama rin niya ang sikat na aktor na si Mark Anthony Fernandez. Ang Esperanza: The Movie naman ay naging bahagi rin siya. Maliban sa mga pelikula at proyektong ito, may mga programa rin siya sa telebisyong kanyang ginampanan kagaya ng Maalala mo Kaya, Esperanza at Saan Ka Man Naroroon. Ang buhay pag-ibig niya naman noon sa showbiz ay nabigyan ng kulay nang maging magkalove team sila ni Aiza Seguerra na mas kilala na ngayon bilang “Ice”.

Photo Credit: Google Image




Dahil narin sa mga bagong mukha at talentong dumating sa industriya, hindi na gaanong napansin si Spencer hanggang sa tuluyan na niyang iwan ang kanyang karera bilang artista. Marami sa atin ang nagtatanong kung nasaan na kaya ngayon ang mahusay na dancer at dating artista. May ilang mga larawang makikita na nakakasama niya parin ang mga dati niyang kasamahan sa streetboys. Ngunit, maliban dito ano na kaya ang kanyang pinagkakaabalahan?

Mabuti na lang ay may mga social media na tayo ngayon upang malaman ang kaganapan sa buhay ng ating mga iniidolo.

Photo Credit: Google Image

Sa Instagram si Spencer, makikita na sa ngayon ay naninirahan ang dating aktor sa UK(United Kingdom) kasama ang kanyang pamilya. Isa na siyang ganap na ama ngayon sa kanyang tatlong anak. Bagamat wala na ang grupong streetboys, nagtatanghal parin siya paminsan-minsan sa mga charity events para sa kanyang mga tagahanga.

Photo Credit: Google Image




Kagaya na lamang ng charity event na ginanap sa Milan kasama ang dati ring miyembro ng Streetboys na si Michael Sesmundo. Ang naturang charity event ay dinaluhan ng 200 bata kung saan nagbigay sila ng dance masterclass. Ang mga dumalo ay mula sa VIP Dance Academy.

Photo Credit: Google Image

Bagamat iniwan ni Spencer ang mundo ng showbiz sa Pinas, nananatili parin naman siyang bukas sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Youtube Channel upang makapagbigay ng update tungkol sa kanyang buhay para sa kanyang mahal na mga tagahanga.

Photo Credit: Google Image




Kahit iniwan ni Spencer ang industriya ng showbiz sa ating bansa, nananatili parin ang kanyang talento at kakayahang makapagbigay ng saya sa mga tao. Talagang mahal na mahal ni Spencer ang pagsayaw kaya naman kahit saang sugar pa siya dalhin ng buhay ay nakakapagtanghal parin siya.
Masaya narin siyang namumuhay kasama ang kanyang pamilya bagamat malayo sa Pinas ay nakita naman niya ang tahimik na pamumuhay sa ibang bansa.