Connect with us

Entertainment

Dating Singer at Aktres na si Ylona Garcia, Nagtatrabaho Ngayon sa McDonald sa Sydney, Australia

Ang napakagandang aktres at singer na si Ylona Garcia ay una nating nakilala sa reality competition ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother sa season na 737 noong 2015. Nakilala rin si Ylona sa bansag na “Daldal Darling ng Australia” habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.



Dahil nga sa kanyang talento sa singing, dancing at maging sa acting na nakitaan ng potensyal upang maging mahusay na artista sa showbiz, ay matagumpay niyang nasungkit ang titulo bilang first runner up sa naturang kompetisyon.

Photo credits: Ylona Garcia | Instagram

Kahanga-hanga rin ang natatanging husay ni Ylona pagdating sa larangan ng musika bilang isang singer. Sa katunayan nga nito, sa murang edad ay nakapag-composed na siya ng mga kanta at nakasama rin ang mga batikang singer at songwriter sa bansa sa isang Australian concert tour tulad na lamang nina Martin Nievera, Sarah Geronimo at dating lead vocalist ng Rivermaya na si Bamboo Mañalac.

Photo credits: Ylona Garcia | Instagram  

Hindi lamang sa Pinas ipinamalas ni Ylona ang kanyang talento sa pag-awit, dahil ng magkaroon ng singing competition sa Australia, ay hindi niya pinalampas ang pagkakataong sumali rito na kung saan ilang ulit siyang nagwagi at naparangalan.

Photo credits: Ylona Garcia | Instagram

Malayo na nga ang narating ng karera ni Ylona na kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang husay hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa larangan ng musika. Isa nga siya sa mga miyembro ng teen pop group “ASAP G!” at isa ring VJ ng Myx Philippines.



Samantala, dahil nga lumaki sa Sydney Australia, ay nagpasyang bumalik ang 18 gulang na si Ylona sa bansang kanyang kinalakhan. At ngayon nga, ay marami ang humanga sa teen star at singer na si Ylona dahil naging madiskarte ito at nakakita ng mapagkakakitaan habang nakikipagsapalaran sa gitna ng pandemya.

Photo credits: Ylona Garcia | Instagram

Araw ng Lunes, August 31, ay masayang ibinahagi ni Ylona sa kanyang Instagram na abala siya ngayon sa kanyang trabaho sa isang fast food chain sa Sydney, Australia.

“Hey, ya’ll. I decided to work at @mcdonaldsau. 🙂 Feel free to come thru & I’ll serve you.”

Photo credits: Ylona Garcia | Instagram

Sa larawang ibinahagi ng PBB housemate, makikita na nakasuot ito ng uniform ng McDonald. At ayon sa post nito, ay nagpasya nga siyang magtrabaho muna sa nasabing fast food chain habang wala pang pinagkakaabalahan.
Bumuhos naman ang paghanga at papuri sa naturang post ng singer. Ilan nga sa mga ito ay sinabi na wala itong kaarte-arte at napaka-humble nito sa kabila ng pagiging isang sikat na artista at singer.

“Wow! Another reason to love you, Ylo!”
“Cute! Walang kaarte arte.”

error: Content is protected !!