Wowowee Dancer Noon isa na Ngayong Milyonaryong Negosyante Ngayon

Naaalala niyo pa ba ang dating dancer ng game show ng “Wowowee” na si RR Enriquez? Maaaring hindi niyo na siya naaalala pero siya ang sikat na “money girl” host ng “Wowowee.”




Kilala ang mestisang ito dahil sa kanyang katangitanging ganda pati na rin sa galing niya sa pananayaw kaya madali niyang naakit ang puso ng mga manunuod ng programa sa Kapamilya network.

Umalis sa industriya ng show business si RR Enriquez noong 2011 at mas piniling mamuhay bilang isang nagsusumikap na negosyante.

Kasama ng kanyang kasintahan na si Jay-Jay Helterbrand, ang dalawang ito ay nagsadyang patakbuhin ang negosyo nilang Rejuva Aesthetic and Laser Center sa Cavite kung saan lumaki si RR.

Dahil sa kanilang matagumpay na pagbubukas ng negosyo sa Cavite, ibinahagi ni RR ang kanyang pasasalamat sa napakarami niyang kliyente na walang sawang sumusuporta sa kanilang bagong tayo na negosyo.

Isinaad ni RR na: “Napakabuti ng diyos dahil sa pagbigay sa amin mga nakakabilib na Kliyente dito sa Cavite. Hindi ko inaasahan ang mainit nilang pagsalubong! Cavite bayan ko! Maraming Salamat!”

“God is good for giving us Amazing Clients in Cavite (Where I grew up) I didn’t expect the warm welcome! Cavite bayan ko! Maraming salamat!”




Ibinahagi ni RR sa panayam ng Philippine Entertainment Portal na si Jay-jay Helterbrand ang nag-umpisang magplano ng kanilang negosyo.

Dagdag niya pa rito na: “Una, siyempre, hesitant siya. Sabi niya ganoon, ‘malulugi ka diyan, ma-ano ang pera mo.’ Then after that sabi ko, ‘Babe, dito tayo yayaman. Trust me, yayaman ka sa akin,’ sabi kong ganoon”

Inamin din ni RR na nagbago siya para sa proyektong iyon upang magampanan ang tungkulin sa pagpapatakbo ng negosyo na iyon at magmula noon ay naging mas masikap pa siya kesa dati.

Gusto ni RR na nararamdaman ng kanyang mga manggagawa na ibinibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa negosyo nila at mapakita na nakatuon ang kaniyang pag-iisip sa ikauunlad ng kanyang negosyo.

“Pinapakita ko sa kanila na kahit amo ako, hindi ako ‘yong magpapakataas sa kanila, di ba? Bukod pa rito, kasama niya rin nag-training ang kanyang mga tauhan sa loob ng apat na buwan, upang maging “aware” rin siya sa procedure ng mga serbisyong kanilang ibinibigay sa mga costumer,” inilahad ni RR sa interview.

Nang tanungin si RR tungkol sa kanyang nakaraang buhay bilang aktres/host sa showbiz, nasabi niya na lamang na kailangan ng isang “safety net” tulad ng kanyang spa sa linya ng kanyang trabaho.

“Siyempre, hindi mo maaasahan ang showbiz, e, ngayon kung wala ka nang work, e, di wala, wala kang paghuhugutan ng pera. So, halimbawa mayroon kang naipon, hangga’t maaari, i-invest mo kaagad,” kwento ni RR sa huli niyang komento.

Anong masasabi niyo sa negosyo ni RR? Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa artikulo na ito.