Connect with us

Entertainment

Dating Sikat na Singer na Nagpasikat ng Kantang “Bakit Nga Ba Mahal Kita” na si Rosselle Nava, Pinasok rin ang Mundo ng Politika

Talaga namang dalang-dala tayo sa mga nakakaantig na awiting Pinoy na pinasikat ng mga mahuhusay na singer sa ating bansa. At sa tuwing maririnig nga natin ang mga love songs na ito ay talaga namang nabubuhay ang ating emosyon. Isa nga sa awiting talagang tumatak sa puso ng marami ay ang sikat na kantang “Bakit Nga Ba Mahal Kita” na tila ba damang-dama ang kabiguan ng puso at init ng pagmamahal.

Ngunit, nasaan na kaya ngayon ang sikat na singer na si Roselle Nava na nagpasikat ng kantang “Bakit Nga Ba Mahal Kita”?

Photo credits: google.com

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Roselle Nava noong taong 1992 hanggang 1997 nang mapabilang siya sa youth oriented show ng ABS-CBN na Ang TV kung saan nakasama niya ang ilan ring sikat na artista tulad na lamang nina Jolina Magdangal, Claudine Barretto, at Antoinette Taus. Napabilang rin siya sa Sunday noontime show na ASAP noong 1995 hanggang 2004 kung saan nga ay ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-awit.

Photo credits: google.com

At pagdating nga sa husay ni Roselle sa pag-awit, ay talaga namang hahangaan ang kanyang talento. Sa katunayan nga nito ay siya ang pinaka in-demand na diva noong dekada 90 at kilala ring multi-platinum female singer sa bansa. Dahil nga sa kanyang napakagandang tinig, at natatanging husay sa pag-awit ay binansagan rin siyang the Philippines’ Sentimental Diva at kinilalang former supreme songbird of ABS-CBN.

Siya rin ang binansagang Philippine Pop Queen noong dekada 90. Ilan naman sa mga kantang kanyang pinasikat ay Bakit Nga Ba Mahal Kita, Maniniwala Ba Ako, Dahil Mahal Na Mahal Kita, Laging Ikaw Parin, Ikaw Pala, Mahal Mo Ba’y Di Na Ako, at Huwag Ka Nang Babalik.

Photo credits: google.com

Samantala, matapos namang lisanin ni Roselle ang mundo ng showbiz, ay masaya siyang namumuhay ngayon sa piling ng kanyang asawang si Allen Ford Lee Tan na kanyang dating businesspartner.

Photo credits: google.com

Ang dalawa ay ikinasal noong January 18, 2010 sa Manila Cathedral kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Rafa at Ram.

Photo credits: google.com

Magmula nga noon ay hindi na muling nasilayan sa telebisyon si Roselle. Maliban kasi sa pagiging ina ng kanilang tahanan, ay pinasok rin ng dating singer ang mundo ng politika. Noong taong 2016 nang tumakbo siyang counsilor sa Parañaque at pinalad na magwagi sa eleksyon at maluklok sa pwesto.

Photo credits: google.com

Sa ngayon, ay 45 taong gulang na si Roselle kung saan nga ay masaya niyang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay at pamilya noong nakaraang buwan ng Marso.

“I just turned another year older, today I turned 45. I have so many things to be thankful for! I have been really blessed and for that my heart is full and filled with appreciation.”

Huli namang nasilayan sa telebisyon si Roselle noong nakaraang taon matapos mapabilang sa Masked Singer Pilipinas bilang Adarna. Bagama’t, hindi nagwagi ay hindi naman maikakaila na marami ang nagulat at nakamiss sa kanya na muling makita sa telebisyon. Ayon naman kay Roselle, ay pumayag siyang gawin ang Masked Singer Pilipinas dahil madalas umano nilang panoorin ang American version nito.

error: Content is protected !!