Connect with us

Entertainment

Dating Sikat na Kontrabidang si Ruel Bernal, Masaya at Mapayapang Namumuhay na Ngayon Kasama ang Kanyang Pamilya sa Abroad

Sa pelikulang ating napapanood, ay talaga namang mas gumaganda ito sa panlasa ng mga manonood, kung ang mga karakter, lalo na ang bida at ang kontrabida nito ay talaga namang mahuhusay at napaka-epektibo ng ginagawang pag-ganap sa nakatalagang karakter sa kanila.

Hindi mo nga naman masasabi na bida ang isang artista sa pelikula, kung walang kontrabida na magpapahirap rito.




Sa Philippine showbiz industry ay talaga namang ilang mga mahuhusay na kontrabidang mga artista ang hinahangaan ng marami , ito ay dahil sa tapang na kanilang ipinapakita sa telebisyon, na kahit ang mga manonood ay talagang nadadala ng kanilang emosyon.

Isa nga sa mahuhusay at epektibong aktor noon, na madalas gumanap bilang isang kontrabida sa mga pelikula, ay si Norberto Paranada Venancio, o mas kilala ng publiko bilang si Ruel Vernal, ang isa sa pinakasikat na kontabida star noong taong 1970’s hanggang 1980’s.

Photo credits: Kevin Bernal | Facebook

Ang pisikal na anyo ni Ruel Vernal, ay talaga namang bagay na bagay sa mga karakter na kanyang ginagampan sa pelikula, dahil siya ay maroon tamang taas, malaki at tigasin na mga katawan, at boses na talaga namang lalaking-lalaki.

Photo credits: Kevin Bernal | Facebook

Madalas ngang isang “bad guy”, ang ginagampanan ni Ruel Vernal sa kanyang mga kinabilangang pelikula noon.

Photo credits: Kevin Bernal | Facebook

Samantala, ang karera ni Ruel Vernal sa industriya ng showbiz, ay tumagal ng halos 3-dekada, kung saan ay halos lahat sa mga pelikula na kanyang kinabibilangan, ay talalaga namang pumapatok sa mga manonood.

Matatandaan pa nga na taong 1976, ay hiniring si Ruel Vernal ng Metro Manila Film Festival bilang Best Supporting Actor sa pelikula niyang Insiang. Maliban sa pagiging isang kontrabida actor, ay nakilala rin si Ruel Vernal noong 1982-1983, bilang ang kauna-unahang modelo ng sikat na sikat na inumin noon hanggang ngayon na Red Horse.




Huling lumabas sa pelikula si Ruel Vernal, ay noon pang taonng 2003, sa pelikulang Dayo, kung saan ay matapos nga ito ay nawala na ito sa showbiz, at hindi na napapanood pa sa mga pelikula.

Photo credits: Kevin Bernal | Facebook

Ayon nga sa ilang mga ulat, iniwan ni Ruel Vernal ang showbiz, upang manirahan na sa Amerika, kung nasaan ang kanyang pamilya, at doon ito ngayon ay namumuhay bilang private citizen ng nasabing bansa.

Photo credits: Kevin Bernal | Facebook

Sa ngayon ay nasa 73-taong gulang na ang dating kontrabida aktor, ngunit sa kabila ng kanyang tumatanda ng edad, ay hindi maikakaila, na ang karisma at katangian niya bilang action star, ay talaga namang taglay pa rin niya.

Photo credits: Kevin Bernal | Facebook

Photo credits: Kevin Bernal | Facebook

Ayon nga sa anak ni Ruel na si Kevin Vernal, hanggang ngayon ay nagagawa pa ring mag-gym ng kanyang 73-taong gulang na ama, ito ay dahil sa nais nitong maging fit at healthy pa rin ang pangangatawan nito.

error: Content is protected !!