Connect with us

Entertainment

Dating Sikat na Dancer na si Jopay Paguia, Isinilang na ang Kanyang Baby Girl na Pangalawang Anak nila ni Joshua Zamora

Ang dating Sxbomb dancer na si Jopay Paguia, ay ganap na ngang mom of two, matapos isilang ang pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Joshua Zamora, na isa ring mahusay na mananayaw.

Credits: Jopay Paguia- Zamora | Instagram

Nito lamang ika-2 ng Mayo nang ipabatid ni Jopay sa publiko ang magandang balita sa pamamagitan ng isang Instagram post. Sa Instagram ay ibinahagi ng dancer ang adorable photos ng kanyang newborn baby na pinangalanang Ariana, kasama rin ang larawan ng kanyang panganay na anak na si Alessa noong pagkasilang niya rito.

“Good morning to our two precious princess. You came to fulfill my life and you did it in the most perfect way. I am proud to be the mother of such a beautiful daughters. Mommy and Daddy is always here with you. And we love you so much.”

Credits: Jopay Paguia- Zamora | Instagram

Sa nasabing post ni Jopay, ay hindi niya nga maitago ang labis na kaligayahan dahil ngayon nga, ay dalawa na ang kanilang prinsesa na siyang magbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya. Isa ngang proud mother of two si Jopay, na talagang mahal na mahal ang kanyang mga anak.

Credits: Jopay Paguia- Zamora | Instagram

Samantala, tatlong araw bago dumating si Baby Ariana, ay makikita naman ang excitement sa mukha ng panganay na anak ni Jopay na si Alessa sa ibinahaging larawan sa Instagram.

Samantala, nagbahagi rin si Joshua sa kanyang Instagram sa mainit niyang pagsalubong sa kanilang 2nd baby ni Jopay. Makikita nga sa mga larawan na karga-karga na ni Joshua si Baby Ariana. Ang nasabing post naman ay nilakipan ng caption na:

“There are no words that can describe the euphoria you feel when your baby recognizes you for the first time and smiles.”

Sinabi rin ni Joshua, na excited na ring makita ng kanyang Kuya Job at Javen, at maging ng kanyang Ate Alessa si Baby Ariana. Pinasalamatan naman ni Joshua ang asawang si Jopay at hiniling ang mabilis nitong recovery. Mababakas rin sa post ng dancer, kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa.

Credits: Jopay Paguia- Zamora | Instagram

“Thank you Babas, grabe lang the pain you went through, Jopay. Praying for your fast recovery. I love you so much. and Salamat po sa lahat Ng well wishers nakaka teary eyed . Mwuah mwuah Hugs.”

Ikinasal sina Jopay at Joshua noong June 2014, matapos ang halos pitong taong relasyon bilang magkasintahan. At ang kanilang panganay na anak na si Alessa ay isinilang ni Jopay noong Disyembre 2017.

error: Content is protected !!