Connect with us

Entertainment

Dating Pantasya ng Bayan na si Joyce Jimenez, Masaya at Kontento na Ngayong Namumuhay sa Amerika Kasama Ang Kanyang Pamilya

Sa kanyang taglay na napakagandang mukha at napakaseksing katawan, ay tunay nga na isa si Joyce Jimenez sa mga binansagang pantasya ng bayan. Si Joyce Herrin Reintegrado Egbalic o mas kilala ng publiko bilang si Joyce Jimenez, ay isa sa pinapantasya ng mga kalalakihan dahil sa kanyang mala-dyosang kagandahan at napakaseksing katawan.

Mas lalong nakilala ang pangalan ni Joyce sa kanyang paggawa ng mga seksing pelikula. At ang ilan nga sa mga ito, ay talagang pinilahan sa takilya katulad na lamang ng “Scorpion Nights”. Nakatambalan naman ni Joyce sa mga pinagbidahan niyang pelikula ang mga sikat na aktor na gaya nina Richard Gomez, Albert Martinez, Jomari Yllana, Piolo at Diether Ocampo.

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres, ay dinala rin si Joyce ng kanyang kaseksihan sa pagiging isang cover girl ng men’s magazine noong 2007. Sa kabila ng tinatamasang tagumpay sa showbiz, ay nagpasya parin si Joyce na lisanin ang kanyang karera sa industriya ng showbiz noong 2008. At sa pagtalikod niya sa kanyang karera, ay ang pagyakap naman niya sa buhay may asawa.

Matapos iwan ang showbiz, ay nagpakasal si Joyce sa kanyang asawa na half Filipino-American na si Paul Ely Egbalic na isang miyembro ng Air Force sa Amerika.

Si Paul ay ipinanganak sa Quezon City ngunit pagsapit ng apat na taong gulang ay nagmigrate na sa Amerika dahil ang kanyang ama ay naglilikod roon bilang US Navy.

Ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap sa Saint Lorenzo Ruiz, Walnut California. Ang kanilang matamis na pag-iibigan ay biniyayaan ng tatlong anak, sina Jorja Ely, Jansen Elise at Julian Elysson.

Para naman makatulong sa kanyang pamilya, ay pinasok na rin ni Joyce ang pagnenegosyo dahil alam ng dating aktres na hindi permanente ang kasikatan at buhay pag-aartista. At ang naisipan niyang itayong negosyo ay beauty products at lingerie products.

Tila naman hindi makitaan ng anumang pagsisisi si Joyce sa kanyang naging desisyon na iwan ang showbiz para mamuhay ng masaya at tahimik sa Amerika kasama ang kanyang pamilya. Makikita naman sa mga larawang ibinabahagi sa social media na talagang kontento na si Joyce sa buhay na kanyang tinatamasa ngayon sa Amerika.

Ang kanyang pamilya ang nagbibigay kaligayahan ngayon kay Joyce na ayon nga rito, ay hindi matutumbasan ng anumang bagay. Bagama’t, malabo ng makabalik siya ng showbiz dahil mas prayoridad niya ang kanyang pamilya, ay bukas pa rin naman siya sa mga guesting para masilayan ng kanyang mga tagahanga sa telebisyon.

error: Content is protected !!