Connect with us

Entertainment

Dating Going Bulilit Child Actor Na Si John Manalo Masayang-masaya Sa Piling Ng Non-Showbiz Na Kasintahan: ‘Make Your “Jowa” Your Bestfriend, Payo Pa Nito’

Published

on

Paano nga ba mas lalong mapapatibay ang relasyon ng dalawang taong nag-iibigan at ano ang maaari nilang gawin upang mapanatili ang binubuong matamis na pagtitinginan. Sapat na nga ba ang kilig at sayang nararamdaman o kailangan pa nila ng mas malalim at makatotohanang pamantayan upang lalong mapagtibay ang kanilang pagmamahalan.




“If you make your best friend and your significant other the same person, you don’t have to disconnect to go tell your girlfriend everything -Niecy Nash”,

ito marahil ang naging panuntunan ni John Manalo isa sa dating batang aktor ng pambatang programa na ‘Going Bulilit’. At ngayong ganap na siyang binata at mayroon na ring sariling girlfriend ay may payo siya sa mga magkasintahan kung papaanu nila pakikitunguhan ang isa’t isa.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang larawan kung saan makikitang kasama niya ang girlfriend na si Erika Rabara at nagbigay din siya ng makahulugan na payo sa tulad nilang nasa isang relasyon,

“manalojohn Make your jowa your bestfriend 👫“, mensahe pa dito ni John.




Sa isang dating post pa ng Kapuso artist ay isinalaysay niya ang pananaw niya sa pagkakaroon ng partner at masasabing nagbago ito ng makilala na niya ang kasintahan,

“Before I met Erika, I thought having a perfect partner requires having a lot in common, same attitude and same hobbies. As we got to know each other, I realized that our different views and quirks makes us perfect together”, pagbabahagi pa ng taong gulang na aktor.

Sa kabilang banda inamin din ni Erika sa isang post niya na malaki ang pasasalamat niya sa nobyong si John,

“When people tell me to look on the bright side, I look at you. Random appreciation post for this guy who’s been the bright side of everything, even and especially when it was dark. Thank you for your light”,

pahayag pa dito ng magandang dalaga.

Masasabing bagay na bagay talaga ang dalawa at makikita ito sa mga ibinabahagi nilang mga latest update sa kani-kanilang mga social media, At kamakailan lang ay gumawa sila ng podcast na inupload nila sa kanilang YouTube vlog channel kung saan pinag-usapan nilang dalawa ang istii noong unang silang magkita at paanu sila nagkakilala.




Marami namang mga follower nila ang nagbigay ng kanilang mensahe sa naging advice ni John sa mga mayroong boyfriend o girlfriend,

“theolyrhey sana all binebestfriend ng jowa”,
“iamladycurly Sana all may jowa, sana all Mahal 😂😂“,
“jaicelis_ph Lovely. You’re really look good together. ❤️“,
“mimijamago Sanaol di inaagaw ng bestfriend ang jowa😌😂“,
“bethfrancisco19 Sana all my jowa 😂😂😂😂congrats po nsa tamang tao pinili mo 😍ikaw na yung mr.right ni lodi @erikarabara 💕👋👋👋“,
“2626nine I like the caption.. 😂❤️“.

error: Content is protected !!