Connect with us

Entertainment

Dating Goin’ Bulilit Star na si Sharlene San Pedro, Masayang Ibinahagi ang Simpleng Pamumuhay ng Kanyang Pamilya sa Probinsya

Ang cute at bibong bata na nakilala natin sa children gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit noong 2005 na si Sharlene San Pedro, ang isa sa mga nagbigay ng ngiti sa ating mga labi. Matatandaan naman na noong 2004, ay una natin siyang nasilayan sa Star Circle Quest: Kids Edition.




Marami nga ang pinahanga ni Sharlene sa kanyang talento, kaya naman matapos magwagi bilang 1st runner up sa naturang kompetisyon ay bumuhos na ang mga proyekto sa kanyang karera. Naging matagumpay nga ang karera ni Sharlene sa showbiz na kung saan ay talagang ipinamalas ang kanyang natatanging talento sa pag-arte.

Maliban naman sa pag-arte, ay may angking talento rin si Sharlene sa pag-awit na kung saan ay marami na siyang ginawang kanta. Isa rin sa hilig ni Sharlene ang vlog, na kung saan ay pinasok na rin niya ang vlogging upang magbigay ng update sa kanyang mga tagahanga.

At naitampok nga sa vlog ng aktres ang simpleng pamumuhay ng kanyang pamilya sa probinsya ng Bulacan. Dahil nga, sa ipinatupad na lockdown naging libangan na nito ang pagba-vlog.

Photo credits: Sharlene San Pedro | youtube channel

Photo credits: Sharlene San Pedro | youtube channel 

Masaya ngang ipinakita ni Sharlene ang simple ngunit masaya nilang pamumuhay. Katulad na lamang ng pagpapakita ng kanilang malawak na bakuran kung saan makikita ang mga tanim na gulay at iba pang namumungang puno. Ang mga pananim sa kanilang bakuran ay tanim ng kanyang mommy, at sa kanyang vlog ay ipinakita ni Sharlene ang pag-aani ng bunga ng mga gulay tulad ng ampalaya at okra.

Photo credits: Sharlene San Pedro | youtube channel




Photo credits: Sharlene San Pedro | youtube channel

May kalamansi ring pinitas si Sharlene na ihahalo nila sa toyo upang maging sawsawan.




Photo credits: Sharlene San Pedro | youtube channel

Matapos naman mamitas ng bunga ng kanilang pananim ay ipinasilip naman ni Sharlene ang ilog sa babang bahagi ng kanilang tahanan, kung saan nangingisda ang kanyang ama.
Isa namang masaganang pananghalian ang kanilang inihanda pagsapit ng tanghali. Nagkaroon ng isang boodle fight ang pamilya ni Sharlene kung saan ay sama-sama at masaya silang kumain. Ilan nga sa mga nakahain sa kanilang lamesa ay ang mga gulay na pinitas sa kanilang bakuran.

Photo credits: Sharlene San Pedro | youtube channel

Hindi naman napigilan ng mga tagahanga ni Sharlene ang humanga sa pagiging simple at humble nito na talaga namang makikita sa pamumuhay ng kanilang pamilya.
Malayo man ang narating na tagumpay ni Sharlene sa showbiz bilang artista, nananatili parin ang kanyang pagiging simple at mapagkumbaba. Makikita nga na napalaki siyang mabuti ng kanyang mga magulang.

error: Content is protected !!