Connect with us

Entertainment

Dating Childstar Na Si Zaijian Jaranilla, Masayang-masaya Ngayon Sa Piling Ng Kanyang Non-showbiz Girlfriend Na Si Dian Añez

Marami ang humanga sa cute at bibong bata noon na si Zaijian Jaranilla, kung saan ang ating mga puso ay naantig sa mahusay niyang pagganap sa teleseryeng “May Bukas Pa” noong 2009. Matatandaan na gumanap bilang Santino si Zaijian sa nasabing teleserye na pinukaw ang atensyon ng publiko hindi lamang ng kanyang natatanging talento sa pag-arte, kundi pati na rin ang kanyang gwapong mukha. Sa kanyang murang edad ay masisilayan na kay Zaijain ang magandang katangian.

Photo credits to the owner

Siya nga marahil ang pinakasikat na child star ng kanyang henerasyon dahil sa kanyang husay sa pagganap sa teleseryeng “May Bukas Pa”. Kaya naman, bumuhos rin ang mga proyekto sa kanyang karera. Katulad na lamang ng pelikula ng Star Cinema na Boyette: Not a Girl Yet kung saan nakasama niya ang mga artistang sina Iñigo Pascual at Maris Racal. Naging bahagi rin Zaijian ng primetime series na “Ang Sa Iyo Ay Akin” kung saan gumanap siya ng karakter ni Jacob na anak ni Marissa na ginampanan naman ni Jodi Sta. Maria.

Photo credits to the owner

Ngunit, sa 12 na taong lumipas ay nasaan na kaya si Ziajian ngayon? Hindi naman talaga namalayan ang matulin na paglipas ng panahon. Dahil ang batang bumihag ng ating damdamin bilang Santino, ay isa nang ganap na binata ngayon. At bukod nga sa kanyang pamilya na nagbibigay ng saya at inspirasyon sa kanya, ay masaya rin si Zaijian sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Dian Añez.

Photo credits to the owner

Sa social media nga at maging sa Tiktok ni Zaijian ay talagang makikita ang nag-uumapaw na kasweetan nilang dalawa sa isa’t isa dahilan para kiligin ang mga fans ng aktor. Halos hindi rin makapaniwala ang ilan na ang batang si Santino, ngayon nga ay nakikita nilang masayang-masaya sa piling ng kanyang kasintahan.

Photo credits to the owner

Madalas na magkasama ang magkasintahan lalo na sa mga espesyal na okasyon. At makikita nga sa isang post ni Zaijian ang kanyang nakakaantig na pagbati sa kanyang nobya para sa kanilang 1st anniversary.

“In a span of 1 year, all you gave me was happiness. Happy Anniversary!! I love you always”.

Matatandaan naman na noong taong 2020 nang ibunyag ni Zaijian sa publiko na may babae nang nagbibigay sa kanya ng saya at inspirasyon. Sa panayam nga sa programang Magandang Buhay, ay inilahad ng aktor kung gaano siya kasaya at kainspirado sa piling ng kanyang girlfriend na mahal na mahal siya.

Photo credits to the owner

“One year and one month na po kami. Sobra po siyang inspirasyon. Nakakatulong po siya sa akin. Parang mas inspired ako sa pang-araw-araw. Kapag gumigising ako tapos alam ko na may nagmamahal sa akin, tapos may naghihintay sa akin,”pagbubunyag ni Zaijian.

error: Content is protected !!