Connect with us

Entertainment

Dating Childstar na si Mutya Orquia, Isa nang Ganap na Dalaga Ngayon

Tila nga kaybilis ng paglipas ng panahon dahil hindi natin namamalayan na ang mga paborito nating childstar noon sa telebisyon, ngayon ay ganap na mga dalaga at binata na. Hindi na nga, mapigilan pa ang kanilang paglaki na mas lalong lumutang ang kanilang magandang katangian at kaanyuan.


Kung usapang childstar lang naman, tiyak na kilalang-kilala niyo ang cute at bibong bata na si Mutya Orquia na talagang ipinamalas ang kanyang angking talento sa pag-arte bilang isang batang artista. Sikat na sikat noon si Mutya sa kanyang mahusay na pagganap sa karakter niya bilang isang sirena. At nasundan nga ito ng karakter niya bilang Abby sa teleseryeng “Be Careful with my Heart” kung saan nakasama niya ang aktres na si Jodi Sta. Maria at aktor na si Richard Yap. Gumanap rin siya bilang batang Jade Dimagiba sa My Binondo Girl.

Talaga nga namang pinahanga ni Mutya ang publiko sa kanyang talento at husay sa pag-arte sa kabila’t kanan niyang proyekto mapa-pelikula man o teleserye. Hindi nakapagtataka na nagkamit siya ng parangal bilang Best Child Performance award para sa mahusay niyang pagganap bilang Abby Lim in Be Careful With My Heart at the 4th FMTM Awards 2012 for TV Entertainment.

Photo credits: iammutya_orquia | Instagram

Ngunit, makalipas ang maraming taon ay hindi na natin muling nasilayan si Mutya sa telebisyon. Hindi naman nawawala ang update sa mga kaganapan sa buhay niya sa tulong na rin ng social media. Nananatiling bukas sa publiko ang social media account ng dating childstar kung saan masisilayan ang malaking pagbabago sa katauhan nito.


Photo credits: iammutya_orquia | Instagram

At ngayon nga, ang dating napakacute na batang napanood natin sa telebisyon na ating kinagiliwan noon, ay isa nang ganap na dalaga ngayon. Makikita nga na tulad ng ibang childstar, ay lumaking napakaganda ni Mutya at dalagang-dalaga na nga ito.

Photo credits: iammutya_orquia | Instagram

Sa edad na 14 taong gulang, ay makikita na kay Mutya ang pagkahilig sa fashion na talaga namang bagay na bagay sa kanyang magandang mukha ang bawat natitipuhan niyang isuot. Masasabi na hindi na nga siya isang baby dahil sa kanyang mabilis na paglaki at pagdadalaga.


Photo credits: iammutya_orquia | Instagram

Ngayon pa lang ay tiyak na marami na ang nag-aabang kay Mutya na muling bumalik sa showbiz dahil sa taglay niyang kagandahan. At gaya ng dati, tiyak rin na marami ang susubaybay at hahanga sa kanyang natatanging talento sa pag-arte.

error: Content is protected !!