Connect with us

Entertainment

Dating Childstar Na Si Mika Dela Cruz, Isa Nang Ganap Na Dalaga Ngayon Na Lumaking Napakaganda

Talaga namang napakabilis ng paglipas ng panahon, at ito nga ay hindi natin namalayan. Hindi natin akalain na ang mga cute at bibong bata na napapanood natin sa telebisyon noon, ngayon nga ay ganap nang mga dalaga at binata.

Photo credits: Mika Dela Cruz| IG

Hindi lamang ang kanilang mabilis na paglaki ang nakakamangha, dahil kahanga-hanga rin ang kanilang ipinapakitang husay sa kanilang tinatahak na larangan. Kung noon nga na sila’y mga child star, ay giliw na giliw tayo sa kanilang kabibohan at kacutan, ngayon nga ay hahanga tayo sa kanilang taglay na kagandahan at husay sa pag-arte.

Photo credits: Mika Dela Cruz| IG

At isa sa child star na ating kinagiliwan noon sa telebisyon na ngayon nga ay isa nang ganap na dalaga, at hindi naman maitatanggi na lumaking napakaganda, ay ang aktres na si Mika dela Cruz.

Photo credits: Mika Dela Cruz| IG

Sa mga hindi nakakaalam si Mika ay kapatid ng sikat na aktres na si Angelika dela Cruz. At tulad nga ni Angelika, ay nakilala si Mika sa industriya ng showbiz matapos ipamalas ang kanyang natatanging husay sa pag-arte. Isa nga si Mika sa maituturing na pinakasikat na artista ng kanyang henerasyon ngayon.

Photo credits: Mika Dela Cruz| IG

Matatandaan naman na nagsimula si Mika sa kanyang karera sa showbiz, bilang isang Kapamilya kung saan nga ay una siyang nasilayan sa telebisyon sa talent search na Star Circle Quest Kiddie Edition ng ABS-CBN. At dito nga, ay pinatunayan ni Mika ang kanyang sariling kakayahan sa pag-arte, sayaw at pagkanta. Sa nasabing kumpetisyon ay nakasabayan ni Mika ang aktor na si Nash Aguas, na kanyang childhood friend at ngayon nga ay kanyang kasintahan na.

Photo credits: Mika Dela Cruz| IG

Mula sa kanilang pagkabata ay magkasama na sina Mika at Nash, kung saan nga ay nagkasama rin sa maraming proyekto. Nagsimula ang kanilang kulitan sa isa’t isa sa telebisyon sa Kapamilya Network, pinaghiwalay man nga ng tadhana ay muli silang pinagtagpo matapos ng 12 na taon, at ngayon nga ay masayang-masaya sa piling ng isa’t isa para pakiligin ang kanilang mga fans.

Photo credits: Mika Dela Cruz| IG

Samantala, sa ngayon ay isa naman nang Kapuso si Mika at patuloy na ipinapamalas ang kanyang talento at husay sa larangan ng pag-arte. Hindi lamang talento ni Mika ang kahanga-hanga, dahil ngayong 23 taong gulang na siya ay lutang na lutang na rin ang kanyang angking kagandahan. At hindi nga maikakaila na talagang napakalaki na ng ipinagbago ni Mika, kung saan nga ay talagang bigay todo na rin sa pag-awra suot ang kanyang mga OOTD na bagay na bagay sa kanya.

Photo credits: Mika Dela Cruz| IG

Sa katunayan nga nito, ay ginulat ni Mika ang kanyang mga tagahanga matapos niyang maging modelo ng isang clothing brand sa Singapore. Suot ang magagandang damit sa Apartment 8 clothing’s new collection, ay talagang lumutang ang pagiging classy ni Mika sa mga damit na sadyang napakaganda. Nakasama rin niya sa pag-endorso ng clothing brand ang aktres at singer na si Julie Anne San Jose.

error: Content is protected !!