Connect with us

Entertainment

Dating Child Star na si Bugoy Cariño, Ibinahagi ang Kaniyang Buhay Bilang Isang Batang Ama

Noong nagdaang mga taon ay nagkaroon ng isyu ang relasyon ng dating child star na si Bugoy Cariño at ang volleyball player na si EJ Laure. Lalong nagkaroon ng usap-usapan dito nang magkaroon ng anak ang dalawa dahil 21 anyos si EJ samantalang 16 taong gulang lamang noon si Bugoy.

Photo credits: Bugoy Cariño | IG

Bagamat naging tahimik ang kanilang pamumuhay, kamakailan lamang ay ibinunyag na ni Bugoy ang kaniyang naging buhay bilang isang ama sa kaniyang anak at bilang isang partner sa kaniyang nobya na si EJ.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Bugoy ang kaniyang mga naging karanasan mula sa pagbubuntis ng kaniyang partner hanggang sa kanilang kasalukuyang pamumuhay. Matatandaang maayos ang kaniyang karera sa showbiz at talagang kilalang-kilala na siya ng mga tao noong siya ay naging ama.

Photo credits: Bugoy Cariño | IG

Pag-amin ng aktor, wala siya sa tabi ng kaniyang nobya noong manganak ito dahil abala siya sa paghahanda sa pagdating ng kanilang anak ngunit noong malaman niyang maayos na naipanganak si Baby Scarlet, malaki ang naging pasasalamat niya sa Diyos. Dagdag pa niya,

“Nanghina yung tuhod ko tapos iyak ako ng iyak.”

Photo credits: Bugoy Cariño | IG

Tila nawala rin ang lahat ng mga negatibong karanasan at opinyon mula sa ibang tao. Higit sa lahat, dito rin niya napagtanto ang panibagong yugto ng kaniyang buhay.

Photo credits: Bugoy Cariño | IG

Hindi naman dito nagtatapos ang pagsubok sa relasyon ng magnobyo. Umani sila ng napakaraming batikos mula sa mga tao. Marami din ang tumutol sa kanilang relasyon dahil napakabata pa niya noon.

Nakikita rin umano ng aktor ang mga komento ng ilang netizens na dapat lang na kasuhan niya si EJ dahil menor de edad pa lamang siya nang mangyari ito. Sa kabila ng mga negatibong komento na ito tungkol sa kanilang maliit na pamilya, pinili niyang maging tahimik at huwag nang kasuhan ang dating volleyball player.

Dagdag pa niya, sa halip na sundin niya ang opinyon ng ibang tao, pinili na lamang niyang maging masaya kasama si EJ at ang kanilang panganay na anak. Nais rin umano niyang maging parte ng kaniyang buhay si EJ kaya naman binalewala na lamang niya ang sinasabi ng ibang tao.

Pagdating naman sa pagiging isang partner kay EJ, tiniyak niya rito na magiging maayos ang lahat sa paglipas ng panahon,

“Sabi ko sa kaniya, ‘Huwag mo na pansinin iyan. Pagdating ng panahon, wala na iyan, e. Mababago rin yung isip nila.”

error: Content is protected !!