Entertainment
Dating Child Actor L.A Lopez, Ibinahagi Ang Kanyang Buhay Bilang Pastor

Ipinanganak noong June 1,1984 si Lyle Areanne Lopez o mas nakilala ng nakararami bilang isang child actor noon na si L.A Lopez.

Photo Credit: Google Image
Ngayon ay malayo na sa kinang ng mga camera ang buhay ng 34-taong gulang na ngayon na si L.A Lopez sapagkat siya ay namumuhay na ng pribado at simple bilang isa ng pastor.

Photo Credit: Google Image
Ngunit bago nahanap ni L.A ang kanyang simple at tahimik na pamumuhay bilang isang pastor ay nagsimula muna bilang isang child actor sa loob ng showbiz industry. Ang namayapang Hari ng Komedya na si Dolphy Quizon ang nakadiskubre kay L.A nang siya ay maging isa sa mga kalahok ng talent show na “That’s my Boy” na mapapanood noon sa GMA Network.

Photo Credit: Google Image
Sa pagkakadiskubre nga sa kanya ng Hari ng Komedya ay nagsimula ang karera bilang isang child actor ni L.A Lopez. Sa children’s show na “Eh kasi Bata” naging regular ang paglabas ng nasabing child actor. Isa rin siya sa mga naging mukha ng DOH (Department of Heath) dahil sa pagiging isa niyang masigla at malinis na bata.
Ilang pelikula din ang napabilang ang child actor na si L.A Lopez na kung saan ay ipinakita niya ang kanyang angking galing at talento bilang isang batang aktor. Maliban pa sa galing sa pag-arte ay may angking galing din sa pagsasalita sa publiko si L.A kaya isa rin siyang Public Speaker.

Photo Credit: Google Image
Hindi rin maikaka-ila na may angking talento din sa pag-awit si L.A dahil sa ganda ng kanyang tinig ay ilang tropeyo na rin na Awit Awards ang kanyang napanalunan,isa siyang aktor, Public speaker at beteranong singer, kaya marami ang nagtaka kung bakit sa kabila nito ay bigla na lamang siya nawala sa industriya.
Ilan sa mga dahilan ng kanyang paglisan sa industriya ni L.A ay ang mga usapin na ibinato sa kanya, isa na dito ay kung ano ang totoong estado ng kanyang kasarian. May mga nagsabi rin noon na may mental dissability ang naturang child actor at meron pa ngang isang spoof creator na nagsulat tungkol dito na talagang nagbigay ng depression noon kay L.A. na umabot pa sa kasuhan ng kanyang ina ang nasabing spoof creator.

Photo Credit: Google Image
Sa mga nangyari ito sa buhay ni L.A doon na nagdesisyon ang kanyang ina na iwanan na lamang ni L.A ang industriya at magsimula na lamang ng bagong buhay. Sa U.S nagsimulang muli si L.A, doon na siya nagpatuloy ng kanyang pag-aaral hanggang sa mapabilang sila sa isang Christian Church kung saan siya ay naging pastor sa edad na 26-taong gulang.
Ang simbahan din ang nagpadala muli kay L.A dito sa Pilipinas upang siya ang maging pastor dito. Ang simbahan nilang ito ay tinawag na Abundant Harvest Felloweship Philippines na nagsimula sa Crescent City, Florida USA. Matatagpuan naman ang head office nito rito sa Pilipinas sa lungsod ng Quezon City. Naging skolar din siya ng U.S.A Presidential Scholarship na kung saan ay kumuha siya ng kursong musical Theatre sa Florida School of Arts.
Isa na siyang ganap na Pastor ngayon kung saan nagbabahagi siya ng mga mabuting salita ng Diyos. Ibinahagi rin niya na hindi na dapat alalahanin pa ang pait na naranasan niya sa showbiz dahil nagawa na niyang magpatawad sa mga taong nagkasala sa kanya. Lubos ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil nalampasan niya ang mga pagsubok na na kanyang hinarap noong siya ay bata pa. Nagkaroon rin siya ng Ministry kung saan pinapalaganap niya, ito ay ang Jzone Pinoy na dating Youth Ministry Jzone kung saan isang Filipino version ng Christ Commission.

Photo Credit: Google Image
Noong 2002 nagbalik sa showbiz ang dating childstar at gumawa siya ng kantang “Yakap”. Naging sikat ang kantang ito at napabilang pa sa Top Billboard chart sa Pilipinas na nakakuha ng Gold Record Award. Noong 2016 naman, inawit niya ang Love Never Fails sa Windsound recording company. Taong 2017 naman kanyang ginawa ang kanyang I See You na naging theme song nina Andy at Jade sa teleseryeng Binondo Girl sa ABS-CBN. Ang kanyang ito ay muna sa album niyang Ikaw Pa Rin.
Bagamat wala na siya sa showbiz, nananatili pa rin ang kanyang mga kanyang ginawa at inawit na nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa. Ayon sa dating aktor, naging mas malakas pa siya sa kabila ng mga pagsubok na dumaan sa kanya. Dahil may Diyos at may pamilya siyang handang gabayan at tulungan siya sa oras ng problema. Nais rin niya umanong imahagi sa iba ang talentong ibinigay sa kanya ng Maykapal.
