Connect with us

Entertainment

Dating Aktres na si Nadine Samonte, Mas Naeenjoy ang Simpleng Buhay Ngayon Bilang Isang Maybahay at Hands-On Mom sa Kanyang mga Anak

Tila natagpuan na nga ng dating aktres na si Nadine Samonte ang hinahangad na kapanatagan at kaligayahan sa buhay. Dahil matapos lisanin ang mundo ng showbiz, ngayon nga ay masayang namumuhay ang aktres sa probinysa kasama ang kanyang pamilya.

Bagama’t, wala na sa mundo ng showbiz, patuloy naman ang pagbibigay niya ng update sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng social media. Makikita nga sa kanyang mga Instagram post, na masaya at kontento na siya sa simpleng buhay bilang isang maybahay at hands on mom sa kanyang mga anak.




Ayon sa aktres, mas naeenjoy niya ang buhay na wala sa showbiz, dahil mas nais niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang mga anak at pamilya. Mahalaga kay Nadine ang makasama ang kanyang pamilya at lahat ay gagawin niya para sa mga ito.

“Yes I love washing and ironing and cleaning, mas gusto ko hands on ako sa ibang bagay kasi minsan our kids follow what we do. Thats the reason din kung bakit wala ako sa showbiz im enjoying every minute na kasama ko ang mga anak ko and my fam. I love doing anything for them.”

Samantala, mahigit tatlong buwan nang nakauwi ang pamilya ni Nadine sa kanilang probinsya. At sa mga panahong pananatili sa probinsiya, ay naging masaya ang kanilang pamumuhay, dahil bukod sa maaliwalas na kapaligiran ay nakakatiyak rin silang ligtas at malayo sila sa kapahamakan.

Dahil nga, wala na sa showbiz bilang artista, ay nagkaroon ng pagkakataon na maging madiskarte sa buhay ang dating aktres. Sa katunayan nga nito, maliban sa pagiging maybahay, ay sumabak na rin si Nadine sa pagnenegosyo.

Minsan na ngang naibahagi ng dating aktres, ang pagbebenta niya ng mangga at santol na naharvest mula sa kanilang farm. Matatandaan rin na proud na ibinahagi kamakailan ng dating aktres ang pagbebenta niya online ng mga dried fish.




Hindi ikinakahiya ni Nadine ang pagbebenta online, bagkus ay ipinagmamalaki pa niya ito dahil malaki ang naitutulong nito sa kanilang pamilya.
Pinatunayan nga ni Nadine ang pagiging madiskarte sa buhay upang matulungan ang pamilya, lalo na ngayong panahon ng pandemya na kung saan ay marami ang nahihirapan dahil sa kinakaharap na krisis.

Hindi naman maikakaila, na sa paglisan ni Nadine sa mundo ng showbiz, ay wala siyang pinagsisihan sa kanyang naging desisyon. Bilang isang maybahay at hands-on mom sa kanyang mga anak, ay masaya siyang pagsilbihan ang kanyang pamilya sa abot ng kanyang makakaya. Magmula sa paglalaba, pagluluto at iba pang gawaing bahay ay walang kaarte-arteng ginagawa ito ni Nadine.

Tunay nga na kontento at masaya na si Nadine sa buhay niya ngayon kasama ang kanyang pamilya. Sa bawat araw nga ay masayang ipinaparamdam ni Nadine ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya kahit sa simpleng paraan lamang.

error: Content is protected !!