Connect with us

Entertainment

Dating Aktres na si Melissa Ricks, Hindi Napigilang Maiyak sa Surprise Proposal ng kanyang Boyfriend na si Michael Macatangay

Ang makatagpo ng taong magiging katuwang sa buhay ay maituturing na isang biyaya lalo na kung alam natin na ang taong ito ang inilaan ng Diyos upang makasama natin sa habang buhay.
Hindi matatawarang saya at kaligayahan nga ang madarama kapag dumating na ang araw na pinakahihintay upang makilala natin ang tamang taong nakalaan sa atin sa tamang panahon.

Katulad na lamang ng dating aktres na si Melissa Ricks, na matapos mabigo sa pag-ibig ay ipinagpasa-Diyos na lamang niya ang kanyang buhay pag-ibig. Sa hindi nga inaasahang pagkakataon, dumating na ang taong inilaan para kay Melissa na magbibigay saya at kulay sa buhay niya. At ito nga ay sa katauhan ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay.




Kamakailan lamang, ay marami ang pinakilig ng lovely couple matapos magproposed si Michael kay Melissa. Ika-29 ng Agosto, araw ng Sabado, nang masaksihan ng malalapit na kaibigan ng magkasintahan at ng kanilang pamilya ang intimate surprise proposal ni Michael kay Melissa na ginanap sa Rosario, Batangas.
Hindi nga napigilang maiyak ni Melissa sa surpresa ng kanyang nobyo dahil s labis niyang kaligayahan na matapos ang dalawang taon nilang relasyon ay aalokin siya nitong magpakasal upang mas lalo pang patunayan ang pagmamahal sa kanya. Hindi na nga nag-alinlangan pa si Melissa at agad sumagot ng ‘Yes’.

Samantala, ang nakakaiyak at nakakakilig na tagpong ito sa engagement ng magkasintahan ay nakunan ng video ng Nice print photo, na kamakailan lang din ng i-release.

Makikita nga sa video, sa pahayag ni Michael na matagal na umano nitong planong mag-propose bago pa man magkapandemya, at nang magkaroon nga ng pandemya ay mas lalo siyang naghangad na pakasalan na si Melissa dahil nga nagsasama na sila.

“Bago mag-pandemic, nagca-canvass na ako ng engagement ring. Noong nagkaroon ng pandemic, na-realize ko na I really need to propose because we are living in sin. Kasi dinala ko si Melissa dito sa bahay namin. Kahit isipin nila na wala kaming ginagawang masama, eh magkasama naman kami”.

Samantala, ayon naman kay Melissa ay may kutob na umano siya sa plano ng nobyo ngunit mas pinili niya na huwag munang mag-assume at baka wala naman talaga. Kaya naman, pagpasok pa lang niya ng gate habang lulan ng sasakyan ay tumutulo na ang kanyang luha sa labis na kaligayahan matapos makita ang kanyang mga kaibigan.




“I feel very blessed to have a group of friends na talagang through thick and thin nandiyan talaga sila para sa akin. And, of course, si Michael, kahit hindi siya sweet, nag-effort Siya maging sweet para sa akin, para sa araw na ‘to. I’m very thankful, and blessed ako na God placed him in my life at the time na hindi ko talaga akalain na I would fall in love with anybody.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melissa Ricks (@mellyricks09) on

Makikita rin sa mga kaibigan at pamilya nina Michael at Melissa ang pagsuporta at pagmamahal sa kanila. Hindi maikakaila na napakapalad nga ng magkasintahan sa mga pagkakaroon ng mabubuting tao sa paligid nila. Sa huling bahagi nga ng video, nag-iwan pa ang mga ito ng nakakaantig na mensahe na ang tanging hangad ay makakabuti para sa kanilang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melissa Ricks (@mellyricks09) on

error: Content is protected !!