Connect with us

Entertainment

Dating Aktres na si Julia Clarete, Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit niya Nagawang Iwan ang Matagumpay na Karera sa Industriya ng Showbiz

Published

on

Natatandaan niyo pa ba ang mahusay na singer at dating co-host ng Eat Bulaga na si Julia Clarete?

Matatandaan na nagsimula ang karera ni Julia noong 1996 sa “Star Circle” sa ABS-CBN at napabilang sa Batch 4 ng reality talent show. Ngunit, higit naman siyang nakilala ng publiko nang lumipat siya sa GMA at maging bahagi naman ng longest running noontime show na Eat Bulaga kung saan ay naging isa siya sa mga co-host ng programa.




Naging matagumpay ang karera ni Julia sa industriya, maliban sa pagiging host ng Eat Bulaga ay sumabak rin siya sa pag-arte at maging ang kanyang talento sa pag-awit ay ipinamalas rin. Ngunit, ang masayang buhay at matagumpay na karera sa harap kamera ay nilisan ni Julia ng hindi inaasahan. Marami nga sa kanyang mga tagahanga ang nagulat sa kanyang desisyon na iwan ang karera sa industriya ng showbiz.

Limang taon na nga ang nakakalipas matapos iwan ni Julia ang mundo ng showbiz upang mamuhay ng tahimik at piniling manirahan sa Malaysia kung saan doon na rin siya nakapag-asawa at bumuo ng pamilya.

At matapos ng limang taon, ay inalala ng dating co-host ang dahilan kung bakit niya nagawang iwan ang karerang nagbigay ng kulay sa buhay niya. Kasabay nga nito, ang pagbubukas ni Julia ng kanyang nararamdaman at hirap na naranasan bago tuluyang nagdesisyon na iwan ang showbiz.

Samantala, matatandaan naman noong 2015 na naging usap-usapan si Julia ng publiko dahil sa kumakalat na balita na siya umano ang naging dahilan kung bakit naghiwalay sina Ciara Sotto at dati nitong asawa. Mariin naman itong itinanggi ni Julia sa pamamagitan ng Facebook live noong 2016.

Sa mahabang taong pananahimik ni Julia, ay muli siyang nasilayan sa programang “I Feel You” kung saan nakapanayam siya ni Toni Gonzaga. Dito na nga siya nag-open up ng kanyang nararamdaman. Hindi naman nag-atubiling aminin ni Julia na nahirapan siyang iwan ang showbiz dahil ito na nga ang buhay na kanyang nakasanayan.

“The first thing I did was just constantly pray kasi by then, you get peace of mind.You really just ask for guidance from God kung ano ba talaga ang gusto niya for you” pahayag ng aktres.




“Parang I wanted to try something that was good. Something new, something good. What is it like to live in a different country? I was different person” dagdag pa ng aktres na nais sumubok ng ibang bagay nang lumipat siya sa Malaysia.

Hindi naman makitaan ng pagsisisi sa kanyang naging desisyon ni Julia, sa katunayan pa nga nito ay masaya siya sa piling ng kanyang asawang si Gareth McGeown at anak na si Sebastina na 13 taong gulang.

“It was fun. There were a lot of challenges pero it was really fun. When I had Seb, I was really a working mom. And then when Seb and I moved to Malaysia na, nagulat yung anak ko kasi sabi niya, “You’re just my mom now”.

Muli nga bang magbabalik sa industriya ng showbiz si Julia?

“The premise of me turning my back on showbusiness was because I was leaving for another country. But if I was gonna be based here, siyempre walang complete talikod.”

error: Content is protected !!