Connect with us

Entertainment

Dating Aktres na Si Jennifer Sevilla Masaya sa Buhay Bilang Fulltime Mom Matapos Iwan ang Kanyang Showbiz Career

Noon pa man ay marami na tayong hinahangaang personalidad sa mundo ng showbiz, ang iba sa kanila ay sumikat sa magkakaibang dekada. Mayroong iba na hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa kanilang propesyon bilang artista at patuloy nating nasisilayan sa telebisyon kung saan nila ipinapamalas ang walang kupas nilang galing sa pag-arte, ngunit mayroon ding iba na sa paglipas ng panahon ay hindi na natin nasilayan ang imahe at unti-unting nawala sa industriya.

Photo credits: Jennifer  Sevilla | IG

Sa pagkawala ng mga personalidad na ito sa showbiz, ay mahabang panahon din na walang naging balita sa kanila, lalo na ang kanilang mga tagahanga, kaya naman ngayon na mayroon ng social media ay tila malaki ang naitulong nito upang muling masilip natin ang mga buhay na ngayon ng mga noon ay hinahangaan nating artista na may iba ng tinatahak na propesyon sa kanilang buhay ngayon.

Photo credits: Jennifer  Sevilla | IG

Isa sa mga sikat na artista sa mundo ng showbiz noong dekada nobenta si Jennifer Sevilla. Siya ay nakilala ng publiko nang magsimula siyang lumabas sa iba’t ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon noong 90’s at mas lalo pang naging sikat ng maging parte siya ng popular na show noon na “That’s Entertainment.”

Photo credits: Jennifer  Sevilla | IG

Sa angking kagandahan ni Jennifer at husay niya sa pag-arte ay tunay na namayagpag din ang kanyang karera sa showbiz, ngunit sa kabila nito, ay dumating din sa punto na iniwan niya ang pag-aartista na siya namang ikinalungkot ng kanyang mga tagahanga.
Magmula ng iwan ng aktres ang pag-aartista at mawala sa kinang ng kamera ay marami sa mga umiidolo at masugid niyang tagahanga ang gusto malaman kung ano na ba ang buhay niya ngayon.

Photo credits: Jennifer  Sevilla | IG

Samantala, kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagkakataon ang Kapamilya Network na makapanayam ang dating aktres na si Jennifer Sevilla at kamustahin ang buhay nito ngayon. Sa nasabing panayam din ay ibinahagi ni Jennifer kung ano ba ang nagtulak sa kanya upang iwanan ang kasikatan na tinatamasa niya.

Photo credits: Jennifer  Sevilla | IG

Ayon kay Jennifer nagdesisyon siyang iwan ang pag-aartista ng maisipan na niya ang magkaroon ng sarili niyang pamilya. Mas lalo pang pinanindigan niya ang desisyon niyang ito, ng isinilang na niya ang panganay na anak niyang si Simon Rafa.
Pagbabahagi ng dating aktres, magmula ng maging isa siyang ina, ay mas naging prayoridad niya ang kanyang anak, at mas ginusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagiging isang fulltime mom para sa kanyang pamilya.

Photo credits: Jennifer  Sevilla | IG

Dagdag pa ni Jennifer, hind habang buhay ay mananatiling bata ang kanyang mga anak, kaya naman nais niyang masubaybayan ang paglaki ng mga ito.
Aminado naman si Jennifer na minsan ay nami-miss niya rin ang buhay showbiz. Ibinahagi din niya na ngayon maliban sa kanyang pagiging isang fulltime mom ay abala din siya sap agma-manage ng sarili niyang negosyo.

error: Content is protected !!