Connect with us

Entertainment

Dating Aktres na si Beth Tamayo, Ikinasal na sa Kanyang Amerikanong Fiancee na si Adam Hutchinson sa Isang Online Civil Ceremony

Ngayong panahon ng pandemya, ay hindi maikakaila na marami ang naapektuhang kabuhayan, at malaki rin ang naging epekto sa ating buhay. Ngunit, ano pa man nga ang nararanasang pagsubok ng marami, ay hindi nito mahahadlangan ang pagbubuklod ng dalawang pusong nagmamahalan.




Marami na nga sa mga kilalang personalidad sa showbiz, ang ikinasal sa gitna ng pandemya. Bagama’t, hindi tulad ng nakasanayang magarbong pagdiriwang, ay mas mahalaga pa rin na maisakatuparan ang pag-iisang dibdib ng dalawang pusong nagmamahalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Beth Tamayo (@bethtamayo21)

Kabilang na nga rito ang dating aktres na si Beth Tamayo, na ikinasal sa kanyang Amerikanong fiancee na si Adam Hutchinson sa pamamagitan ng online civil ceremony. Dahil nga sa pandemya, ay sa loob ng kanilang tahanan sa Bay Area, sa San Francisco, California naganap ang kanilang pag-iisang dibdib. At ang espesyal na araw na ito ay naisakatuparan nito lamang ika-3 ng Marso, sa California at ika-4 ng Marso naman araw sa Pilipinas.

Sa isang mahabang post sa Facebook, ay ibinahagi ng dating aktres na si Beth, ang kanyang karanasan na maikasal sa gitna ng pandemya via online.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Beth Tamayo (@bethtamayo21)

“3.3.2021 [three red hearts emojis] Getting married during the pandemic was quite an experience.”

“Ceremony is now online; very limited people to invite (even if it’s already remote) and all of this is happening at the comfort of our own home.We even used a toolbox as our laptop stand! So classy!”

Samantala, nabanggit rin ng dating aktres na kapag ligtas na sa kapahamakan, at anumang sakit, ay tiniyak niyang magkakaroon sila ng masayang selebrasyon kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.




“When it is SAFE, we will definitely celebrate with our family and friends and have the best time ever!”

Ipinaabot rin ni Beth ang kanyang pasasalamat sa mga taong nagpakita ng pagsuporta at tumulong na maisakatuparan ang kanilang pag-iisang dibdib.

“Wanted to personally thank Hannah Lee for taking the time to join us and help with last minute stuff and taking our pictures. To Nol Cueto for taking care of our flowers! My sister Joanne Odulio-Caldejon who was one of our witnesses and surprised us with an awesome yard sign!”

“To Corby and Gina Henkels Lange who officiated. To my in-laws Russ and Julie A Hutchinson [three red hearts emojis]”

“To my mom Zeny Tamayo who woke up early to watch it behind the scenes. To my co-workers and friends who sent us flowers. To everyone who texted us and sent their best wishes, THANK YOU! We feel the love and appreciate you all! Love you guys!”

Makikita naman sa mga mukha ng newly wed ang labis na kaligayahan dahil naging matagumpay at masaya ang kanilang pag-iisang dibdib.

Photo credits: Beth Tamayo | IG

Marami rin ang nagpaabot ng pagbati sa bagong kasal mula sa mga kaibigan ni Beth sa showbiz. Kabilang na nga rito ang mga kasamahan niya dati sa That’s Entertainment. Maging ang kaibigan niyang si Judy Ann Santos, at pamangking si Dominic Roque ay nagpaabot rin ng pagbati.

error: Content is protected !!