Connect with us

Entertainment

Dating Aktres at Singer na si Nikki Gil, Masayang Inanunsiyo ang Kanyang Pagbubuntis sa Pangalawa nilang Anak ng Kanyang Businessman Husband na si BJ Albert

Walang pagsidlan ng tuwa ang dating aktres at singer na si Nikki Gil, matapos isapubliko ang kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang si BJ Albert na isang businessman.

Photo credits: Nikki Gil | IG

“Ready Kuya Finn?”, ito nga ang naging caption ni Nikki sa mga larawang kanyang ibinahagi sa Instagram nito lamang ika-18 ng Abril, araw ng Linggo. Sa isang larawan ay makikita na abot tenga ang ngiti ni Nikki habang nakahawak sa kanyang baby bump. Samantalang sa isang larawan naman ay makikita kasama ng singer ang kanyang panganay na anak na si Finn, na mag-aapat na gulang na ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)

Makikita naman sa munting bata ang masaya nitong ngiti, na tila ba excited na ito sa pagdating ng kanyang kapatid habang nakahawak ito sa baby bump ng kanyang Mommy.

Marami naman ang natuwa sa magandang balita ng singer. Kabilang na nga rito ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz. Ilan sa mga kaibigan sa showbiz na nagpaabot ng pagbati sa bagong biyaya na dumating sa buhay nilang mag-asawa ay sina Luis Manzano, Iya Villania, and Shaina Magdayao.

“Nikoooooooy!!!! Congrats!!!” saad ni Luis.

“Oh em!!!! Congratulations!!!!”, komento ni Iya.

“Ninan Ins is ready,” bati naman ni Shaina.

Nagpaabot rin ng pagbati ang iba pang kaibigan ni Nikki sa showbiz na kinabibilangan nina Marian Rivera, Pauleen Luna-Sotto, Mariel Rodriguez, Kaye Abad, Rica Peralejo, Ciara Sotto, Andi Eigenmann, Liz Uy, Cheska Kramer, at Geoff Eigenmann.

Matatandaan na nakarelasyon ni Nikki ang aktor at TV host na si Billy Crawford mula taong 2008 na nagwakas ng taong 2013. Muli namang tumibok ang puso ni Nikki sa katauhan ng kanyang asawa ngayon na si BJ Albert na isang businessman. Unang nagkakilala sina Nikki at BJ sa Ateneo de Manila University.

Photo credits: Nikki Gil | IG

Taong 2015 naman namang magpasya ang dalawa na magpakasal na ginanap sa Sta. Elena Golf and Country Club sa Laguna sa pamamagitan ng isang garden wedding ceremony. At matapos lamang ang dalawang taong pagsasama, ay isinilang ni Nikki ang panganay nilang anak na si Finn noong Nobyembre 2017.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)

Si Nikki ay nakilala sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na singer, aktres at modelo. Taong 2005 nang makilala si Nikki sa commercial ng Coca Cola na noon ay 17 taong gulang pa lamang.

error: Content is protected !!