Connect with us

Entertainment

Dating Aktres at Komedyanteng si Ruffa Mae Quinto, Nakatanggap ng Bagong Sasakyan Mula sa Kanyang Asawang Fil-Am Bilang Regalo sa Kaarawan nito

Hindi mailarawan ang kasiyahan ng aktres at komedyanteng si Ruffa Mae Quinto matapos makatanggap ng hindi inaasahang regalo mula sa kanyang asawa para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Kamakailan lamang, ay labis-labis ang pasasalamat ni Ruffa sa kanyang asawang si Trevor Magallanes matapos siyang regaluhan ng isang bago at napakagandang sasakyan bilang birthday gift. Sa labis na tuwa ng aktres, ay isang Instagram post ang kanyang ibinahagi upang ipaabot ang pasasalamat sa kanyang asawa.

Photo credits: Ruffa Mae Quinto | IG

Isang maikling video ang ibinahagi ni Ruffa sa kanyang Instagram account kung saan makikitang nagmamaneho siya ng bagong sasakyan na regalo sa kanya ng kanyang asawa. Makikita rin na kasama ni Ruffa ang kanyang anak na si Athena, at maririnig nga ang tawa nito na tuwang-tuwa. Ang nasabing video naman ay nilakipan ni Ruffa ng maikling caption na:

“Birthday gift”.
“Saya-saya namin mag-ina.”
“Salamat mahal @trevvsilog”

Inulan naman ng pagbati si Ruffa sa kanyang kaarawan mula sa mga netizens at mula rin sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na kung saan ay nag-iwan ng komento sa kanyang post. Kahit nga nasa ibang bansa, ay talagang ramdam niya ang masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Samantala, tila masaya at kontento na ngayon si Ruffa sa kanyang napiling buhay sa piling ng kanyang asawa at anak. Kasalukuyang naninirahan ang pamilya ni Ruffa sa San Francisco, California.

Matatandaan naman na hindi na nagawa pang makauwi ng Pilipinas ng pamilya ni Ruffa matapos maabotan ng lockdown sa kanilang lugar dulot ng pandemya. Ngunit, bago pa man dumating ang pandemya, ay madalas magpabalik-balik ang mag-inang Ruffa at Athena sa Pilipinas upang magbakasyon at dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ang 43 taong gulang na aktres ay ikinasal sa kanyang financial analyst husband na si Trevor Magallanes noong November 25, 2016 sa Quezon City. Unang nagkakilala sina Ruffa Mae at Trevor noong 2016 sa panglimang bisita ni Ruffa sa United States. Agad namang biniyayaan ng isang napakagandang anak ang kanilang pagsasama na isinilang ni Ruffa noong February 18, 2017.

Photo credits: Ruffa Mae Quinto | IG

Noong taong 2020 lamang nang mag-apply ng US green card ang mag-inang Ruffa at Athena. At ngayon nga, ay masayang-masaya na silang naninirahan sa US kasama ang kanilang haligi ng tahanan na si Trevor. Masisilayan nga sa social media ni Ruffa ang kanilang masaya at puno ng pagmamahalang pamilya.

Taong 1996 nang pasukin ni Ruffa ang industriya ng showbiz, kung saan ay una siyang nakilala sa That’s Entertainment. Mas lalo naman siyang nakilala sa kanyang pagganap sa karakter na Booba at Boobita Rose sa pelikulang “Gloria, Gloria Labandera” noong 1997 na talagang tinangkilik at pumatok sa madla.

Hindi naman napigilan ng mga bigating artista na kaibigan ni Ruffa Mae ang mapa komento sa regalo ng kanyang asawa sakanya.

Photo credits: Ruffa Mae Quinto | IG

error: Content is protected !!