Connect with us

Entertainment

Darren Espanto, Ipinasilip Ang Napakaganda At Eleganteng Bahay Na Bunga Ng Kanyang Pagsisikap

Bago pa man sumali sa first season ng The Voice Kids ay taglay na ni Darren Espanto ang kahanga-hangang talento sa pag-awit. Sa katunayan nga nito, noong naninirahan pa ang kanyang pamilya sa ibang bansa, ay ilang ulit siyang nakilahok sa mga singing competition.

Kaya naman, nang dalhin siya ng tadhana na sumali sa first season ng The Voice Kids ay hindi na maikakaila na bagama’t pumangalawa si Darren sa grand winner na si Lyca Gairanod, ay talagang pinahanga niya ang mga coaches, at publiko sa taglay niyang husay at talento sa pag-awit.

Bagama’t hindi nasungkit ni Darren ang titulo bilang grand winner ng first season ng The Voice Kids, ay hindi maikakaila na malayo na ang narating niyang tagumpay. Sa ngayon nga ay patuloy na bumubuhos ang biyaya sa buhay ni Darren, at ang kanyang karera ay patuloy ring namamayagpag.

Dahil nga sa tinatamasa niyang tagumpay, ay marami na rin naipundar si Darren. Isa na nga dito ang napakaganda at eleganteng bahay na kamakailan ay masaya niyang ipinasilip sa publiko sa pamamagitan ng mga larawan at video.

Makikita ang ganda at lawak ng bahay ni Darren, at ayon sa young singer ay pinasanitized at pinalinis niya ito sa Busy Bee Cleaning Co. Kapansin-pansin rin ang napakagandang kurtinang masisilayan sa bahay ni Darren at ito naman ay mula sa Raphael.

Natuwa naman si Darren sa ginawang paglilinis at pagsasanitized sa kanyang bahay ng Busy Bee Cleaning Co pati na rin sa ganda ng kurtina na mula sa Raphael kung kaya’t ibinahagi niya ang isang post sa Instagram kung saan ay pinasalamatan niya ang mga ito.

“Having your home clean and sanitized is essential, especially now! Thank you bbcleaningco for making sure my family and I are safe and for leaving my home squeaky clean!”

“Also, look at those curtains! Thank you curtainsbyraphael.”

Ang napakaganda at eleganteng bahay na ito ng young singer, ay isang katunayan na ginamit niyang mabuti ang perang kanyang kinikita sa trabaho. Ang kanyang sipag at pagsisikap bilang isang mahusay na singer ay nagbunga na nga ngayon.

Kaya naman, hindi rin maiwasan ng kanyang mga tagahanga ang matuwa at maging proud sa nakamit na tagumpay ng kanilang idolo. At nang masilayan nga ang napakagandang bahay ni Darren ay talagang napahanga ang mga ito.

Mas lalo namang hinuhusayan ni Darren ang kanyang talento upang hindi mabigo sa kanya ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Hindi na rin nakapagtataka kung ilang ulit na siyang naparangalan dahil sa kanyang natatanging talento at kakayahan.

error: Content is protected !!