‘Darna’ Aktres Angel Locsin Pinarangalan Ng Prestihiyosong “Forbes Asia” Magazine Bilang Isa Sa ‘2019 Heroes of Philanthropy’

Sa angking galing sa harap ng kamera walang hindi napapahanga ang nag-iisang si Angel Locsin at talagang isa siya sa mga kilalang mukha sa mundo ng showbiz. Sa dami ng proyektong sa kanya ay ipinagkaloob ay matagumpay niyang nagampanan ang bawat mga karakter na kanyang pinagbidahan.

Sa kabilang banda, hindi lang sa harap ng kamera bumibida ang “The General’s Daughter” actress maging sa puso ng mga pangkaraniwang mamamayan ay talagang nangunguna ang magandang aktres. Dahil sa bukas palad nitong kamay para sa mga nangangailangan ay talagang kinabiliban siya ng madami.



At masasabing mas lalong higit na minahal si Angel ng kanyang mga tagahanga maging ng mga hindi pa niya nagiging tagahanga dahil sa angking kabaitan at sobrang laking puso.

At dahil sa bukod tanging karakter ni Angel na talagang likas na sa kanya na pagiging matulungin ay kinilala ng sikat na “Forbes Asia Magazine” ang mga naimbag niya para sa ating lipunan. Sa katunayan isa si Angel sa mga 30 kandidato na pinili ng sikat na magazine na malaki ang naitulong at naiambag sa kani-kanilang mga pamayanan.

Samantala, sinabi ng Forbes na naging batayan nila sa pagpili bilang ‘Heroes of Philanthropy” sa 34 na taong gulang na aktres dahil sa mga naging nagawang partisipasyon nito matapos na tumama ang mga malalakas na lindol sa ating bansa partikular na lugar ng Mindanao.



At ayon pa sa sikat na magazine pinili nila ang aktres dahil walang sawang pagtulong nito sa mga kababayan lalo na sa mga panahon ng pangangailangan. Matatandaang personal na namahagi ang aktres ng mga tulong na relief goods para sa mga kababayan matapos na salantain ng sunod na sunod na sakuna ang ating bansa at noong nagkaroon ng Marawi Siege ay naging bukas ang kamay ng aktres sa mga kababayang naapektuhan nito.

At mababasa nga sa isang pahayag ng Forbes Magazine,

“Over the past decade, Locsin has donated as much as P15 million to causes such as educational scholarships for students, supporting the economic and political rights of indigenous people, and ending violence against women and children”,
“Her donations have also helped roughly 500 families hit by some of the country’s largest disaster”.



Masasabing hindi na kailangan ni Angel Locsin na maging katulad ng ginampanang superhero na si Darna at pinatunayan niya ito sa kanyang sariling pamamaraan,

“You don’t need to wear a costume to be a superhero”,

pahayag pa ng “Darna” actress sa kanyang social media.