Connect with us

Entertainment

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Ipinasilip Ang Masayang Dinner Kasama ang Kanilang Celebrity Friends

Ang isang tunay at masayang pagkakaibigan ay hindi kailanman madadaig ng anumang hamon. Kaya naman, talagang dapat na ingatan at pahalagahan ang isang pagkakaibigan dahil ito’y maituturing na isang kayamanan.

Credits: nguyasquad | Instagram

Katulad na lamang nga ng real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na natagpuan ang magandang samahan sa kanilang mga celebrity friends na sina Ria Atayde, Patrick Sugui at fiancee nitong si Aeriel Garcia. Dahil na rin sa kanilang magandang samahan, ay nagkaroon rin sila ng pangalan ng kanilang barkada na tinawag na “Nguya Squad”.

Credits: nguyasquad | Instagram

At bago nga sumapit ang muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila sa darating na August 6, ay naisip ng magkakaibigan na magkaroon ng isang dinner.

Sa nasabing dinner, ay nakasama rin ng KathNiel at Nguya Squad ang kanilang maga kaibigan na kasama rin sa nagdaang camping gaya ng aktor na si Joshua Garcia, at aktres na si Sofia Andres kasama ang boyfriend nitong si Daniel Miranda.

Credits: nguyasquad | Instagram

Hindi naman basta-bastang dinner lamang ang inihanda ng KathNiel para sa kanilang magkakaibigan, dahil ito’y exciting na dinner na ginanap sa isang restored pre-war mansion, at ngayon ay isa ng event place na kilala sa tawag Palacio de Memoria na matatagpuan sa Paranaque City. At para maenjoy ang napakagandang tanawin sa nasabing lugar, ay dumaan sila sa reservation na tanging mga may kaya at kilalang personalidad lamang ang maaaring makagawa.

Dahil dito, ay malaya nitong naenjoy ang art galleries, rooms, gardens, aircraft at museum sa mansion grounds.

Credits: nguyasquad | Instagram

Matapos namang kumain ng masaganang dinner nang sama-sama ay sinulit naman ng magkakaibigan ang sandali sa pag-inom ng wine sa isang Bunker Bar, isang military bunker-inspired theme.

Sa ilang larawan at videos naman na ibinahagi ng magkakaibigan sa social media, ay kitang-kita ang kanilang masayang bonding. Maririnig nga isang video ang pagbibiruan nina Kathryn at Ria. Samantalang ang magkasintahang Kathryn at Daniel ay huling-huli ang nag-uumapaw na kasweetan sa mga larawan at videos.

Hindi naman matatawaran ang closeness ng mga girls na pawang magaganda at enjoy na enjoy rin sa kanilang masayang bonding moments.

Credits: nguyasquad | Instagram

Matatandaan na noong July 9 nang magkaroon ng unang out of town ang magkasintahang Kathryn at Daniel kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Joshua, Ria, Sofia, at Daniel. At tulad ng inaasahan, ay masayang-masaya ang magkakaibigan sa kanilang camping, trekking, paliligo sa ilog at maging pagluluto ng kanilang sariling pagkain.

Hindi maikakaila na ang kanilang magandang samahan ay magtatagal at magiging matibay sa pagdaan ng panahon. At tiyak na ito’y pagsisikapan nilang maging matatag at iingatan ang kanilang magandang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan.

error: Content is protected !!