Connect with us

Entertainment

Daniel Padilla At Kathryn Bernardo, Ibinahagi Ang Sikreto Ng Matatag Nilang Relasyon

Published

on

Ang isang relasyon sa ating mahal sa buhay ay dapat nating ingatan at alagaan upang mapatili ang pagmamahal at magkaroon ng matibay na relasyon sa isa’t isa.

Photo Credit: Kathryn Bernardo Instagram




Pero ano nga ba ang sikreto upang magkaroon ng isang matibay at matatag na relasyon sa kabila ng mga pagsubok na maaaring maranasan sa buhay?

Photo Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Ang matagal nang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay ibinahagi ang sekreto ng kanilang matatag na relasyon nang maganap ang anunsyo ng Star Cinema sa bago nilang pelikula. Napag-usapan ang ganitong usapin dahil sa mga magkasintahang naghihiwalay sa industriya ng showbiz ngayon na sa kabila ng matagal ng pagsasama ay nauuwi parin sa hiwalayan.

Photo Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Ayon kay Kathryn, pinili umano nilang maging matibay ang kanilang relasyon ng kasintahang si Daniel dahil gusto nilang magtagal.




Photo Credit: Kathryn Bernardo Instagram

“Pinipili maging matibay. Parati naman ‘yun yung choice, gusto namin pareho magtagal, gusto magwork. Kasi kung may isa namang ayaw na ‘di pwedeng isa lang so two-way siya parati.”

Sabi ni Kathryn.

Malugod naman itong sinang-ayunan ni Daniel at sinabi na give and take ang ginagawa nila sa kanilang relasyon at team sila ni Kathryn upang maging matagumpay at matibay ito.

Photo Credit: Kathryn Bernardo Instagram

“Give and take siya, gano’n talaga. Nandoon ‘yung growth. We have to realize din kung para saan, hindi ka pwede magdamot kaya nga siya partnership ‘di ba? Love team ‘di ba? ‘Wag natin kalimutan ‘yung team.”




Ayon pa kay Daniel, labis ang kanyang pasasalamat dahil may mga taong sumusuporta at gumagabay sa kanila pagdating sa kanilang relasyon ni Kathryn.

Photo Credit: Daniel Padilla Instagram

“Kami ni Kathryn talagang swerte lang kami at may mga tao na naggabay sa amin.”

Saad ni Daniel.

Tunay nga na pag mahal mo talaga ang iyong karelasyon ay talagang magwowork-out kayo lalo na kung nagkakasundo at nagkakaisa kayo sa mga bagay-bagay na mas lalong nagpapatibay ng pagsasama. At higit sa lahat ay magkasama niyong hinaharap ang mga pagsubok sa buhay.

Photo Credit: Daniel Padilla Instagram




Nagbabalik tambalan ang magkasintahang si Daniel at Kathryn ngayong taon sa pelikulang “After Forever” sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Matatandaan rin noong 2018, na nagtambal ang dalawa sa pelikulang The How Of Us at nang nakaraang taon naman si Kathryn at Alden sa Hello Love, Goodbye na naging block buster hit. Ang mga pelikulang ito ay ginawa sa ilalim ng magaling na direktor na si Cathy Garcia-Molina.

error: Content is protected !!