Connect with us

Entertainment

Danica Sotto Sobrang Mahal at Bait sa Kanyang mga Kasambahay na Nag-alaga sakanya Noong Teenager pa sya at Hanggang Ngayon na may mga Anak na Siya

Ang mga kasambahay ang katuwang ng mga abalang magulang sa kanilang tahanan. Malaki ang naitutulong ng mga kasambahay sa bawat pamilya, mula sa paglilinis ng bahay, paglalaba, pagluluto hanggang sa pag-aalaga ng mga anak. Kaya naman, ang mga kasambahay ay dapat na mahalin at pangalagaan dahil kung wala sila ay tiyak na madaratnang magulo ang bahay.

Hindi ng matatawaran ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris sa kanilang kasambahay kung saan ay parang pamilya na rin ang turing nila rito.

At isa nga sa mapalad na kasambahay na nakaranas ng pagmamahal ng mag-asawa, na talagang tumagal sa kanila ay ang kasambahay nilang si Ate Ange. Si Ate Ange ay kasama na ni Danica magmula noong teenager pa lamang siya kung saan kasama na niya kahit saan man siya magpunta. Kaya naman talagang subok na nito ang tiwala at pagmamahal sa kanya ng kanyang amo.

Photo credits: Danica Sotto-Pingris | IG

Sa social media ay ibinahagi ni Danica ang larawan nilang dalawa kung saan ipinaabot niya kung gaano siya ka-thankful kay Ate Ange na maging bahagi ng kanilang pamilya. Sa katunayan nga nito sa pagdiriwang ng kaarawan ni Ate Ange, ay may espesyal na pagbati si Danica sa kasambahay. Sa isang larawan kung saan kasama ng kanyang pamilya si Ate Ange, ay pinasalamatan ni Danica ang kanyang Ate Ange sa ibinibigay nitong pagmamahal sa kanya muna noong teenager pa lamang hanggang ngayong may mga anak na siya.

Photo credits: Danica Sotto-Pingris | IG

“Happy Birthday Ate Ange! Teenager palang ako tayo na mag kasama. Sa shoots, taping kung saan saan na tayo nakarating. Ikaw din ang lagi napapa galitan ni Mommy pag uuwi ako ng late galing gimmick before.”

“Thank you walang sawang pagmamahal at pag alaga mo saakin noon hanggang ng iyon hanggang pati sa mga anak ko. Love you!!!”

Espesyal rin si Ate Ange kay Danica lalo na noong nag-propose sa kanya ang asawang si Marc Pingris. Ito nga ay dahil si Ate Ange ang pangalawang tao na nakakita ng kanyang engagement ring. Kinausap rin umano ni Marc si Ate Ange tungkol sa plano nitong pagpo-propose sa kanya.

“Fun Fact: Ate Angie was the 2nd person who saw the engagement ring from @jeanmarc15 bago pa siya mag propose. (first person was my BFF @deniseinasia) Marc talked to her during one of our shoots back then at nagkwento siya kay Ate Ange about his plan of proposing to me that night. Kaya pala when I saw her that time parang maluha siya pag labas ng dressing room.”

Samantala, ang pagiging malapit ni Ate Ange sa kanilang pamilya ay hindi matatawaran. Tunay nga na mahal na mahal ni Ate Ange si Danica at pamilya nito kung saan ay hindi iniwan at mas lalo pang tumatagal sa kanilang pamilya. Isa rin itong patunay na itinuturing ng mabuti ng pamilya ni Danica si Ate Ange bilang isang tunay na pamilya.

Dahil dito, ay maraming netizens ang humanga sa magandang samahan ni Danica at ni Ate Ange. Hinangaan rin ng mga netizens ang pagmamahal nila sa isa’t isa na tila isang tunay na pamilya.

“I admire you for being mabait sa mga helper ninyo. God bless your family”

“Mabait kasi kayo kaya mahal at mabait din sa inyo mga kasama nyo sa bahay godbless and happy birthday po ate angie.”

“malaman mo talaga pag mabait ang tao kci ngtatagal ang mag alaga sau God bless danica.”

Photo credits: Danica Sotto-Pingris | IG

Noong taong 2007 nang ikasal sina Danica at Marc sa pamamagitan ng isang Christian Wedding Ceremony. At noong nakaraang buwan ng Marso, ay masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang ika-14 taong anibersaryong pagsasama bilang mag-asawa. Ang kanilang masayang pagsasama at matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Jean Michael at Anielle Micaela.

error: Content is protected !!