Connect with us

Entertainment

Dani Barretto, Ipinasilip ang Masayang Pagdiriwang ng 2nd Birthday ng Kanyang Anak na si Millie

Hindi naman talaga matawaran ang sayang hatid ng ating mga anak sa ating pamilya. Isa naman sa labis na ipinagpapasalamat ng isang ina, ay ang makitang masaya at malusog ang batang kanyang dinala sa loob ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan.

Credits: Dani Barretto Panlilio | IG

Kaya naman, isang biyayang maituturing ang pagdagdag ng panibagong taon sa buhay ng ating mga anak ng walang iniindang sakit at nakikita nating sila’y masaya. At tulad nga ng ibang mga nanay, ay mahalaga rin kay Dani Barretto ang ipagdiwang at ipagpasalamat ang panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanyang anak na si Millie.

Parang kailan lamang nang isilang ni Dani ang kanilang napakacute na baby girl ng kanyang asawang si Xavi Panlilio na si Millie. At kamakailan lamang nga, ay masaya nitong ipinagdiwang ang kanyang ika-2 taong kaarawan. Sa bawat milestone nga ni Millie ay talaga namang nakasubaybay si Dani sa kanyang anak.

Credits: Dani Barretto Panlilio | IG

Kaya naman, ang pagdiriwang ng 2nd birthday ni Millie ay ginawa niya itong espesyal kung saan nga ay nagkaroon ng dalawang selebrasyon para ipagdiwang ang kaarawan ni Millie bilang pag-iingat at seguridad ng kanilang pamilya ngayong panahon ng pandemya. Ayon nga kay Dani, kaya dalawang selebrasyon ang kanilang inihanda para sa birthday ni Millie ay dahil ipinagbabawal ang mass gathering sa gitna ng pandemya.

Sa Instagram, ay isa namang napakasweet na mensahe ang ipinaabot ni Dani sa kanyang anak para batiin ito. Mababakas naman sa mensahe ni Dani ang labis na pagmamahal para sa kanyang baby girl. At tila nga talagang hindi namalayan ni Dani ang mabilis na paglaki ng kanyang anak.

Credits: Dani Barretto Panlilio | IG

“And just like that, she’s now 2 years old! Where did the time go? Slow down a little Mill.”

Hindi naman naitago ni Dani sa kanyang post ang kakaibang kaligayahan magmula ng dumating si Millie sa kanyang buhay. At ang napakacute na bata nga ang nagbibigay saya at kahulugan sa buhay niya.

“Happy Birthday my Angel on earth! My life began the day you were born. You give meaning & purpose to our lives everyday. Oh Millie, there’s nothing we wouldn’t do for you. I love you my sweet girl! May you always need Mama, cause Mama will always need you. I love you! I love you! I love you!!!!!”

Credits: Dani Barretto Panlilio | IG

Hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Dani ang mga taong naging instrumento para maisakatuparan ang masayang pagdiriwang ng birthday ni Millie. At makikita nga na isang napakagandang Mickey mouse-themed birthday party ang naganap sa loob ng kanilang tahanan na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

error: Content is protected !!