Connect with us

Entertainment

Dani Barretto at Xavi Panlilio, Proud na Ipinasilip ang Napakaganda at Bagong Bahay na Kanilang Ipinatayo

Ang vlogger na si Dani Barretto at asawa nitong si Xavi Panlilio, ay palaging nagbibigay ng update sa kaganapan sa kanilang buhay sa pamamagitan ng kanilang mga vlogs. At isa nga sa masasabing pinakamagandang nangyari sa buhay nila, ay maisakatuparan ang pangarap nilang bahay.

Matatandaan na ang nasabing bahay ay wedding gift ng mga magulang ni Xavi noong sila’y ikinasal. Magmula nga nang ipagkaloob sa kanila ay sinimulan na ng mag-asawa ang pagsasaayos rito.




Halos dalawang taon na nga magmula nang ipatayo at ayusin ng mag-asawang Dani at Xavi ang kanilang bahay. At ngayon nga na nakalipat ang kanilang pamilya sa bagong bahay, ay proud na nitong ipinasilip ni Dani ar Xavi sa kanilang mga tagahanga.

Ayon nga kay Dani, ay confident na silang ipakita sa mga manonood ang kanilang bahay, dahil sa ngayon ay masasabi na sa kanila na nga ang bahay.

“Everybody has been asking for a house tour but hindi kami pa ganoon ka-confident i-share ‘yung bahay namin noong time na ‘yon kasi hindi pa siya sa amin. So ito, proud na kaming i-share sa inyo ‘to kasi sa amin na talaga ‘to. Bahay na namin talaga ‘to.”

Photo credits: Dani Barretto | Youtube

At ngayon nga na sa kanila na ang bahay, ay tiniyak ng mag-asawa na magiging maayos at maganda ang kanilang tahanan. Sa tulong ng kaibigan ni Dani na si Miko Carreon na isang architect, ay naisakatuparan ang nais nilang disenyo ng bahay.

Ang dalawang palapag na bahay nina Dani ay may kombinasyon ng wood elements at kulay puting disenyo na masisilayan sa bawat bahagi ng tahanan. Kapansin-pansin naman ang naggagandahang painting ng mga local artist na nakasabit sa iba’t ibang bahagi ng bahay na nakadagdag sa ganda nito.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube

Samantala, ang living room ng bahay, ay pinaganda ng sofa na may sentimental value sa mag-asawa dahil ito ang kauna-unahang furniture na kanilang binili bilang mag-asawa.

Ayon pa kay Dani, ay mas pinili nilang maglagay ng mga furniture na angkop lamang sa laki ng kanilang bahay, upang hindi ito magmukhang masikip.

“Since our space isn’t that big, we really had to choose the furniture properly para hindi naman siya mukhang cramped. But at the same time, it’s not too small.”

Photo credits: Dani Barretto | Youtube

Ang living room at dining area ay hinati naman sa pamamagitan ng wooden slats upang magamit pa ang bakanteng bahagi ng bahay. Ang mga furniture nga, ay masasabi na talagang piniling mabuti ng mag-asawa upang bumagay sa kanilang bahay.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube

Ang paborito namang bahagi ng bahay ni Dani ay ang dining area kung saan makikita ang lamesa mula sa Philux. May wishbone chairs rin na mula naman sa Empty Space, at isang napakagandang painting na obra ni Ivan Acuña.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube

Photo credits: Dani Barretto | Youtube

Ang hagdan naman paakyat sa ikalawang palapag ay disenyong salamin. Pagsapit naman sa bedroom ay masisilayan ang moderno nitong desinyo.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube

Bukod nga sa carpet nitong nagpaganda sa silid, ay may chandelier ring makikita rito. Pagbabahagi naman ni Dani ay kulay gray sana ang disenyo ng silid, ngunit mas minabuti nila na gawin na lamang itong puti.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube




Photo credits: Dani Barretto | Youtube

Ipinasilip rin ng mag-asawa ang walk-in closet, kung saan makikita na maayos na nakasalansan ang mga damit base sa kulay nito. Mayroon ring nakalagay na label sa bawat drawer, ito nga ay upang alam umano ng kanilang kasambahay kung saan dapat ilagay ang mga bagong labang damit.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube

Hindi naman maikakaila na talagang pinaganda at plinano ng mag-asawa ang magiging disenyo ng kanilang bahay. At makikita naman na masaya sila sa kinalabasan ng napiling disenyo para kanilang tahanan kung saan sila bubuo ng masayang alaala.

error: Content is protected !!