Madalas nating naririnig ang salitang ‘Passport Size’ kapag tayo ay may inaasikasong importanteng mga dokumento. Karamihan kasi sa mga ahensya ng gobyerno pati na rin ang mga pribadong opisina dito sa Pilipinas ay naghahanap ng passport size na litrato.
Naging viral sa social media ang kwento ng dalawang lola matapos di umanong nagpagawa ng litratong kasinlaki mismo ng kanilang passport! Aba eh, sino ba naman ang matinong makapag-iisip nito? Sundan ang nakaka-cute na kwento ng dalawang lola.
Marahil ay natanong mo sa iyong sarili, bakit nga ba ito tinawag na passport size kung gayo’y hindi naman ito kasinlaki ng isang passport?
Para sa iyong kaalaman, may iba’t ibang sukat ang passport size na litraro depende sa kung anong bansa ang nais mong puntahan.
Halimbawa na lamang sa bansang US at Mexico, ang tamang sukat ng passport size na litrato ay 2 inches x 2 inches samantalang sa bansang France at Germany, ito ay may sukat na 1.8 inches x 1.4 inches.
Sa Pilipinas, ang tamang sukat ng passport size na litrato ay 1.8 inches x 1.4 inches.
Ibinahagi ni Josh Cowper Esguerra (@RanielJOsh), isang Twitter user, ang litrato ng kanyang lola matapos nitong i-post sa mismong account ang sariling bersyon ng kanyang passport sized na litrato.
Ngunit hindi lang pala ang lola ni Josh ang nagkamali. Nalaman din niyang ganito din ang ginawa ng kapatid nitong babae. Di kaya’y nagkopyahan ang dalawang lola?
“Tinawagan ko ang lola at ipinaliwanag ang dapat niyang gawin. Sabe ko, “Lola, tawag doon ay passport size picture, hindi po kasing laki ng passport.” Binigay niya ang telepono sa kasambahay at pinakiusapang samahan sila sa mall para magpakuha ng litrato,” kwento ni Josh habang nasa Manila.
“Agad na binigay ng dad sa mom ko ang picture kung kaya hindi na nila ito chineck. Noong isang gabi, hinanap ko ang picture nila sa mom ko at sa aking gulat, hindi ako nagkamali. Hahahaha!”
Ang kwentong ito ay agad na naging viral at nagpatawa sa maraming netizens. Ano kaya ang magiging reaksyon mo kapag ginawa din ito ng iyong lola.