Connect with us

Entertainment

Dalawang Empleyado Ng Bangko na Naglalakad Pauwi, Tuwang-tuwa ng Biglang Ayain ni Vice Ganda Magshopping

Lahat naman tayo ay nais bigyan ng magandang buhay ang ating pamilya. Kaya naman, talagang todo kayod tayo sa pagtatrabaho para magampanan ang ating tungkulin at maibigay ang kanilang mga pangangailangan. Hindi rin naman talaga biro ang maghapong nakasubsob sa trabaho, dahil talaga namang nakakapagod. Kaya naman, paminsan-minsan ay kailangan rin nating magpahinga at bigyan ng oras ang ating mga sarili para mag-enjoy sa mga bagay na ating pinaghirapan. Ngunit, dahil nga sa dami ng gastusin, ay dumarating ang puntong wala na halos ang natira sa atin para mai-treat man lang ang sarili.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Kaya naman, napakapalad ng dalawang bank employees na sina Juvy at Jewel matapos makatanggap ng isang biyaya mula kay Unkabogable star Vice Ganda. Sila nga ang mapalad na napili ni Vice na bigyan ng shopping spree sa isang kilalang botique store. At ang nakakatuwang kaganapang ito, ay masaya namang ibinahagi ni Vice sa isang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa kanyang vlog nga kung saan namimigay si Vice ng libreng pangshopping, ay naging random ang kanyang pagpili. At ang maswerteng sina Juvy at Jewel nga ang napili ng It’s Showtime host. Mapapanood nga sa vlog na habang naglilibot si Vice sa kalye para maghanap ng taong karapat-dapat makatanggap ng biyaya, ay nadaanan niya ang dalawang babaeng nagtatrabaho sa bangko na sina Juvy at Jewel na pauwi na. Ang isa ay isang teller at ang isa naman ay accounting assistant sa isang bangko.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

“Maraming tao ang gusto ulit maka-experience ng shopping but since marami silang pina-prioritize ‘di ba, sa paggamit ng pera, ini-skip nila for more important things to do and more important things to consider.”

Bago namam sila magtungo sa mall, ay nagpaswab muna sila para matiyak ang kanilang kaligtasan. Tuwang-tuwa nga sina Juvy at Jewel, dahil sila ang mapalad na nabiyayaan ng pang shopping. Wala ngang sinayang na sandali ang dalawa para mabili ang kanilang nais. Makikita nga na bumili ng bags, dress, shorts, at perfumes ang dalawa. Samantala, sinilip naman ni Vice ang Instagram account nina Juvy at Jewel para malaman kung paano ang mga ito.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa kabuuan nga ay umabot ng mahigit P65,000 ang pinamili nina Juvy at Jewel na talaga namang tuwang-tuwa dahil sa waks ay nabili na nila ang kanilang gustong bagay ng hindi nababawasan ang kanilang sahod. Ipinagshopping rin ni Vice ng bike ang anak ng isa, at ang pamangkin naman ng isa ay isang laruang doll ang binili ni Vice para dito.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa huling bahagi naman ng video, ay nagawa pang mang-prank ni Vice. Ayon nga kay Vice, ay pupunta sila sa malayong lugar na hindi pwedeng gumamit ng cellphone at hindi rin makakauwi sa araw na iyon dahil ilang araw silang mawawala. Ang isa nga sa kanila, ay sinabing hindi makakasama dahil may trabaho, at ang isa namana ay agad na pumayag at sumama kay Vice. Sa bandang huli nga, ay hinabol rin ni Vice ang hindi sumama sa kanila at sinabing prank lamang ito.

error: Content is protected !!