Connect with us

Entertainment

Dahlia, Pinahanga ang mga Netizens sa kanyang Newly Acquired Skill, Anne Curtis Napaka Kumento sa Cooking Video ng Kanyang Anak

Nakakatuwa talagang makita ang mga bata na habang lumalaki natototo ng ibat-ibang bagay. Napaka cute din nilang pagmasdan habang ginagawa ang kanilang mga hilig at di mo aakalain may mga bata palang advance na agad ang kakayahan sa mga bagay na di nating inaakala na kaya na pala nilang gawin.

Kagaya nalang ng proud parents na sila Erwan Heussaff’s at Anne Curtis na proud ibinahagi ang napaka cute na video ni Baby Dahlia habang nagbabake ito ng pancake.

Hindi mapigilan ng mga fans nila Erwan at Anne ang pangigilan sa social media ang napaka cute na si Dahlia matapos nitong ipakita sa isang video ang kanyang bagong acquired na skill sa kusina.

Sa ibinahaging video ng 35 taon gulang na content creator at chef na si Erwan sa kanyang instagram account makikita si Dahlia na parang isang Master-chef habang naghahalo ng mga ingredients para sa ginagawa nitong pancake.

Photo credits: erwan | IG

Bago paghaluin ni Dahlia ang kanyang mga ingredients binangit muna nito ang mga napaka cute na katagang “I’m making a pancake.”

Mula sa palagay ng mga ingredients hanggang sa pagtulong sakanya ng kanyang amang si Erwan sa paglagay ng itlog at paghalo nito, ipinakita ni Dahlia ang kanyang cuteness overload na new acquired skill.

Makikita talaga na pwedeng pwede narin maging isang chef balang araw si Dahlia katulad ng kanyang Papa Erwan, samantala kalakip naman ng video na ibinahagi ni erwan ang mga ingredients na ginamit ni Dahlia sa pagawanito ng Pancake.

Ingredients:

1 c. AP flour
2 tsp baking powder
½ tsp baking soda
1 tbsp white sugar
¾ cup ++ whole Milk
1 egg
1 tbsp butter
2 tbsp mascarpone
1 tsp orange rind
20ml lemon juice

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Sa kanyang post pabiro niya ring inilagay ang mga katagang ” She’s after my job.”

Sa huling bahagi naman ng video, makikita na enjoy na enjoy si Dahlia sa pagkain ng ginawa nilang pancake ng kanyang Papa Erwan. Hindi naman napigilan ng ilan sa mga sikat na artista na mapa comment sa video, ilan nga sa mga nagcomment ay sina Isabel Daza na nagsabing “Dahlia please send me some.”

Pati ang tiyo nitong si Nico Bolzico ay nagkomento din “She deserves her show in @featrmedia”. Samantalang isa sa mga nakakatuwang kumento ay ang kumento ng kanyang Mommy Anne Curtis, “When your daughter cooks better than you.”

error: Content is protected !!