Connect with us

Entertainment

Daddy Paolo Contis, Hindi Napigilang Rumesbak sa Basher na Nang-insulto sa Anak niyang si Baby Summer

Published

on

Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging mapagmahal sa pamilya. Lalo na kung tayo’y ganap nang mga magulang na kung saan ay may mga anak nang dapat ingatan at protektahan. Kaya naman, pagdating sa pagmamahal natin sa ating mga anak, hindi natin hinahayang alipustahin at saktan sila ninuman. Dahil kapag may kumanti sa ating mga anak, tiyak na makakatikim sila ng galit ng isang magulang.




Pinatikim nga ng aktor na si Paolo Contis ng kanyang galit ang isang basher na nang-insulto sa kanyang anak na si Baby Summer matapos itong magkomento ng hindi kanais-nais sa post ng kanyang partner na si LJ Reyes.

Sa nasabing post, masayang ibinahagi ni LJ ang isang achievement unlock para sa kanya bilang ina ni Baby Summer kung saan makikita ang nakakatuwa at priceless reaction ni Baby Summer habang nakatitig sa gawa niyang bubbles.

“For the past days, Summer has been requesting for ‘ba-ble’ kaya naman super effort ako to make bubbles.
“After a few days of learning how to make bigger ones, natutunan ko na rin how to manipulate it! Amateur pa pero puwede na rin ‘di ba?
“Sobrang naproud ako talaga not because I was able to learn it but because napapasaya ko si Summer in small things like this! I would gladly learn more for you baby ko!”




Proud na proud si LJ dahil kahit sa simple paraan ay napasaya niya ang anak. Naikwento rin ni LJ na maraming nagawang facial expressions si Baby Summer kaya naman napatanong siya sa kanyang fans kung kaninong facial mannerism ang nakuha ni Baby Summer.

“Tingin niyo, kaninong facial mannerism niya yan nakuha? Sa akin o kay @paolo_contis?”

Maraming netizens ang humanga sa ka-cutan ni Baby Summer. Ngunit, may isang netizen naman ang umagaw ng pansin ni Daddy Paolo na nagsabi ng:

“Of course sa’yo. Masyadong gwapo si Paolo po. Pasensya na but Summer didn’t get any of Paolo’s looks. Kahit sa skin, ‘di pinkish si Summer. Just saying.”

Hindi nga nakapagpigil ang aktor na ipagtanggol ang kanyang anak sa pang-iinsultong ginawa ng basher. At rumesbak nga si Daddy Paolo at sinabi na:

“Tang*** kang hay*p ka! Gagawa ka pa ng pekeng account makapanggulo lang ng tao!
“Insult me all you want, but not my family! Magtago ka sa fake account mo pero ‘pag nakita kita, ‘yang mukha mo magiging bluish sa pasa hayop!”

Hindi ito ang unang pagkakataong pumatol si Paolo sa basher na nanglait sa kanyang anak. Matatandaan na noong Mayo ay bumanat rin ang aktor sa isang basher kung saan idinaan niya sa Instagram story ang galit niya sa nagsabing pango ang kanyang anak.

“Hiyang hiya naman ako sa pagka perfect mo! @longliveels”.

error: Content is protected !!