Connect with us

Entertainment

“Daddy na si Kapit Bahay” Finally Cong TV, Kargakarga na ang kanyang Matagal na Inaantay at Pinagdarasal

Finally, nameet na ni Viy Cortez at Cong Tv ang kanilang matagal ng pinaka hihintay na anak na pinangalanan nilang si Zeus Emmanuel “Kidlat” Velasquez.

Ngayong araw July 5, 2022 isinilang na ng youtube vlogger at negosyanteng si Viy Cortez ang anak nilang ni Lincoln “Cong Tv” Velasquez.

Sa isang instagram post makikita na karga karga na ni Cong ang kanilang anak na si Kidlat. Kalakip ng post na ito ni Viy ang caption na,

“Kayong dalawa ang mundo ko❤️ salamat Lord salamat sa biyaya🙏🏻”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Samantala nagbahagi din ng isang larawan ang viyline media group na pagmamay-ari ni Viy Cortez, makikita dito ang larawan ng kamay ni Kidlat na may caption na,

“First look at Cong TV and Viy Cortez’s newborn son, Baby Zeus Emmanuel “Kidlat” Cortez Velasquez.”

Samantala isang tiktok video naman ang ibinahagi ni Viy sa kanyang instagram account kung saan makikita na karga karga ni Cong ang kanyang matagal ng inaantay na si Kidlat. Ilan palang ito sa mga inilalabas na larawan ngayon sa social media ng magkasintahan.

Photo credits: Viy Cortes | Instagram

Sa ngayon hindi pa ibinabahagi ng magkasintahan na si Cong at Viy ang itsura ni Kidlat at sigurado kami na excited narin ang mga ito na ipakilala ang kanilang anak na si Kidlat sa buong mundo especially sa kanilang mga followers.

Marami namang netizens ang nagpaabot ng congratulations sa kanilang mga iniidolo na simula day 1 ng pagbubuntis ni Viy ay anjan na at nakaantabay.

Bago naman ang panganganak ni Viy ay nagviral naman ang larawan ni Cong kung saan may caption ito na,

Hi Kidlat! Ready na si Daddy! Galingan ninyo ni Mommy!

At makalipas nga ang ilang oras ng pagaantay, sawakas at yakap yakap na ni Cong ang kanyang anak na si Kidlat. Ang dating kapitbahay, ngayon isa ng ama. Congrats boss Cong Tv at Viy Cortes.

error: Content is protected !!