Connect with us

Entertainment

Dabarkads Ryan Agoncillo Ikinuwento Kay Lucho Ang Naramdaman Ng Sigurado Na Siyang Si Judy Ann Na Ang Kanyang ‘Forever One’

Published

on

Masasabing napakasayang pangyayari sa buhay ng isang tao ang pagkakataon na matagpuan ang “the one” ng kaniyang buhay. Yung natatanging tao na magmamahal sayo ng totoo at kukumpleto ng buhay mo at makakasama mo sa hirap at ginhawa at kakantahan mo ng kantang ‘grow old with you’.



Marami tayong kilalang personalidad na ngayon ay masayang masaya na dahil nakita na nila ang kabiyak ng kanilang buhay katulad na lamang ng mga mag-asawang Dingdong at Marian maging sila Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Sa kasalukuyan masaya silang kapiling ang isa’t isa habang tinatahak ang buhay may pamilya.

Kamakailan lang ay masayang masayang ibinahagi ng kilalang Dabarkads na si Ryan Agoncillo ang ilan larawan ng kanyang pinakamamahal na kabiyak na si Judy Ann.

Photo credits: ryan_agoncillo | Instagram

Samantala nilagyan ng ‘Eat bulaga’ host ang nasabing larawan ng mensahe para sa kanilang anak na si Lucho na sinasabi sa anak ang pagmamahalan nila ng kanyang ‘proud mommy’ na si Juday at kung paanung sigurado na siya sa kanyang sarili na ang aktres na ang one true love niya,



“I was maybe 26, Mom and I were only really starting get to know each other. I’d pick her up from 1 of her movie sets, we’d ride a motorcycle thru fog and a thunderstorm just to hang. Not every girl would’ve liked it – That’s when I knew bud”

Photo credits: ryan_agoncillo | Instagram

pagbabahagi pa ni Ryan.

Sa kabilang banda ibinahagi din ni gwapong Host ang mga kakaibang pag-uugali ng ‘Starla’ actress na bumihag talaga sa kanyang puso gaya na lang ng personal siyang ipaghanda nito ng inumin sa dating pagmamay-aring bar lalo na ng tumulong ito sa pag-aayos para sa isa niyang personal na proyekto.

Photo credits: ryan_agoncillo | Instagram

Sa isang larawan nga na ibinahagi din niya na kabilang sa ‘stories for lucho’ ikinuwento niya kung paanung sinamahan niya sa isang proyekto ang magandang aktres at maging nung alukin niya ito ng kasal,

“your mom is a big movie star. i went with her to an island while she was filming. i took these portraits and asked her to marry me a few months later. specially in love, it’s ok to punch above your weight class bud”



share pa ng 40 taong gulang na host.

Sa ngayon ay mahigit sampung taon na silang masayang ineenjoy ang buhay may-asawa at hinaharap ang responsibilidad bilang mga magulang nila Yohan, Lucho at Luna.

error: Content is protected !!