Connect with us

Entertainment

Dabarkads Jose Manalo Naging Emosyonal sa Mensahe sakanya ng kanyang Doktora na Anak

Published

on

Sino nga ba ang hindi matatawa sa oras na bitawan na ni Dabarkads Jose Manalo ang kanyang mga punch line. At sa bawat pagkakataon na mapapanuod natin siya sa longest noontime running show na Eat Bulaga panigurong higit pa sa isang libong saya at tuwa ang naihahatid niya.



Masasabing dahil sa angking husay sa pagpapatawa isa na talaga si Jose Manalo sa pundasyon sa industriya ng komedya. At sa pamamagitan ng kanyang propesyon ay nagawang suportahan ng komedyante ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Sa katunayan dahil sa kanyang pagiging komedyante ay napag-aral niya ang limang anak.

Isa nga sa limang anak ng host ay nakapagtapos na sa medisina at isa ng ganap ng doktor. Siya ay si Myki Manalo na isa ng resident surgeon sa Capitol Medical Center sa lungsod ng Maynila. Hindi maitatanggi na labis ang pasasalamat nila sa amang aktor dahil sa kabila ng pagiging abala bilang isang artista ay nagawa nitong maging isang responsableng ama sa kanilang magkakapatid.

At sa katatapos lamang na pagdiriwang ng Father’s Day ay nagpaabot ng madamdaming mensahe si Myki sa kanyang ama. Sa kanyang Instagram ay nagpost siya ng pagkilala at pagbati sa amang si Jose sa pagiging mabuti nito sa kanila,

“I remember this one time back in college when I had personal problems and I was being particularly difficult. I didn’t attend all my classes one day, even missed an exam, and you caught me.



Surprisingly, you didn’t get mad. You were unusually calm. You picked me up from where I was, brought me in an ice cream place near DLSU and just remained quiet. Eventually I cried so hard. I couldn’t stop. You just hugged me. We stayed like that for a long while.
No words were needed. You understood me. You always stood by my side. Your more presence was enough to get me through. I yearn for it daily. I miss you, daddy. Please keep yourself healthy and happy. Happy father’s day!”pagbabahagi at pagbati pa dito ni Myki.

Tunay na masasabing bukod sa pagiging magaling na artista sa harapan ng kamera ay isa ring mahusay at huwarang ama ang 54 na taong gulang na Kapuso artist sa kanyang mga anak. Patunay nito ang pagpapalaki at magandang relasyon niya sa kanyang mga anak.

error: Content is protected !!