Connect with us

Uncategorized

Cute na Pagtawag ni Baby Thylane sa Pangalan ng Kanyang Pinsang si Baby Dahlia, Kinagiliwan ng mga Netizens

Sadyang napakacute naman talagang pagmasdan ng mga baby. Ang kanilang maamong mukha at matamis na ngiti, ay talagang nagbibigay sa atin ng goodvibes.

Katulad na lamang nga ng magpinsang sina Baby Thylane at Baby Dahlia na talagang kinagigiliwan ng mga netizens. Si Baby Thylane ay anak ng aktres na si Solenn Heussaff at asawa nitong si Nico Bolzico. Samantalang si Baby Dahlia naman ay anak ng aktres na si Anne Curtis, at asawa nitong si Erwan Heussaff na kapatid ni Solenn.

Photo Credits: Thylane Katana H. Bolzico | IG

Matatandaan na sa Australia isinilang ni Anne si Baby Dahlia, at si Baby Thylane naman ay ipinanganak ng kanyang Mommy Solenn sa Pilipinas. Dahil nga dito, ay hindi agad nagkasama ang magpinsan. Kaya naman, sa pag-uwi ni Baby Dahlia sa Pilipinas kasama ang kanyang mga magulang, ay talagang sinusulit ng magpinsan ang bawat sandali na sila’y magkasama upang makapagbonding.

Photo Credits: Thylane Katana H. Bolzico | IG

At makikita nga sa social media ng kanilang mga magulang, ang mga larawan at video ng kanilang masayang bonding moments. Kamakailan nga, ay isang maikling video ang ibinahagi ni Solenn sa Instagram na talagang kinagiliwan ng mga netizens.

Sa nasabing video mapapanood na naglalaro si Baby Thylane ng laruang plastic fruits kasama si Baby Dahlia. Ngunit, mapapansin na tila nang-aagaw ng laruan si Baby Dahlia kay Baby Thylane. At bigla na lamang ngang tinawag ni Baby Thylane si Baby Dahlia sa pangalan nito na may napakacute na reaksyon.

Photo Credits: Solenn Heussaff | IG

Maririnig naman ang boses ni Solenn, na inulit pa nito ang pagbigkas ni Baby Thylane sa pangalan ni Dahlia. Maging si Solenn nga ay naaliw rin sa kulitan ng magpinsan.

Samantala, mapapansin rin na nilagyan ni Solenn ng caption ang video. Saad nga ng aktres, ay nais umano ni Baby Thylane na kumuha ng sariling laruan si Baby Dahlia.

“Telling her cousin to get her own toy haha”

Ang kacutan naman ni Baby Thylane nang tawagin nito ang pangalan ng pinsang si Dahlia, ay umani ng paghanga at positibong komento mula sa mga netizens.

Narito ang mga nakakatuwang komento ng mga netizens:

“I love the way you say Dahlia. You’re so sweet and cute Tili.”

“Impressive how she speaks of fruits and understand 3 languages.”

“I love how Tili adores Dahlia”

“Ang bait ni Thylane ayaw man nya ibigay ung toy na inaagaw ni Dahlia binigyan niya na lang ng iba.”

error: Content is protected !!